By Michael Juhagetmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------------- Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. Ngunit nagising ako nang may narinig akong tinig ng isang babae na kinakausap ako habang umiiyak. “Anak... narito si mama mo. Gumising ka anak. Ayokong mawala ka sa akin, nak!” Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko lubos maipaliwanag ang pisikal na naramdaman ko sa aking katawan. Pagod, disoriented na parang nahihilo, masakit ang kalamnan na hindi ko mawari... Nang nakapag-adjust na ang aking mga mata, unti-unting inikot ko ang aking paningin sa paligid. Doon ko narealize na nasa loob ako ng ospital. Nakahiga ako sa ibabaw ng kama, may nakatusok na dextrose sa aking pupulsuhan at may dalawang tubes sa aking ilong p

