By Michael Juhagetmybox@hotmail.com sss: Michael Juha Full --------------------------------- Mistulang ikamamatay ko ang sakit nang malamang si Jerome nga ang aming inilibing. Walang mapagsidlan ang bigat na nadarama ng aking puso. Ibinuhos ko ang aking oras sa pag-aaral at pagtatrabaho sa kumpanya ng aking ama. Malaki ang naitutulong ng aking inay sa proseso ng aking pilit na pagtanggap sa mga nangyri. Syempre mahirap. Minsan ay natatgpuan ko na lang ang aking sarili na nakatunganga, malalim ang iniisip, nakatingin sa kawalan. Minsan naman, kapag nakikita ko ang bagay na nagpaalala sa amin ni Jerome, hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Hindi ko makalimutan iyong mga sinabi niya sa akin na ako raw ang nagpabago sa kanyang buhay, na noong hindi pa niya ako nakilala,

