By Michael Juhagetmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------------- Hindi ako magkandaugaga kung ano ang aking gagawin. Nariyan iyong yakapin ko si Jerome, nariyan iyong haplusin ko ang kanyang pisngi at halikan. Nariyan iyong yugyugin ang katawan niya. Hindi ako magkamayaw sa kaiiyak. “Jerome, anong nangyari sa iyo? Gumising ka. Tangina mo, Jerome Gumising ka!” “Maghunos-dili ka, anak. Nakakahiya sa mga tao. Hindi pa tayo sigurado kung si Jerome nga iyan!” ang pagsingit ng inay. Tinignan ko siya. “Si Jerome nga iyan ma. Si Jerome yan! Ano ka ba!” “Anak, ‘di ba dumating sa libing ang daddy ni Jerome? At ang sabi niya noong una ay hindi siya darating kapag hindi mapatunayan na si Jerome nga iyong inilibing na bangkay? Pero anong nangyari? Dumating

