By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------------- Kinabukasan ay nagtungo kami ng aking inay at Jerome sa opisina ng abugado ng mga Zamora upang simulan na ang proseso ng paglipat ng aking apilyedo. Masaya ang abugado na nakita niya kami. “Doon ka na rin ba titira sa mansyon ng daddy mo?” ang tanong ng abugado. “Hindi po. Sa bahay namin po muna siya hanggang sa tuluyang matanggap na ng kanyang utak ang mga pangyayari. Hindi pa po niya lubos na na-absorb ang bilis ng mga kaganapan po...” ang sagot ni Jerome. Napatingin kami ng inay kay Jerome. Bigla na lang kasi siyang sumingit. “Ano?” ang tanong ni Jerome nang tinitigan ko siya dahil sa kanyang isinagot. “May mali ba sa sinabi ko?” ang pagpapa-inosentehan pa niyang ta

