Nang nanumbalik ang aking malay ay nakahiga ako sa ibabaw ng isang kama, disoriented ang aking utak na nagtatanong kung saan ako naroon, bakit ako naroon, at anong kuwarto iyon. Nang tiningnang ko ang gilid ng aking kama, nakita ko ang isang taong nakaupo sa silya at ang kanyang ulo ay isinubsob sa aking tiyan. Inaninag ko kung sino siya. Ngunit bago ko pa man siya makilala ay inangat niy ang kanyang ulo. Nang makita niyang nakamulat na ang aking mga mata ay kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkabigla. Si Jerome. “A-an—“ ang nasambit ko, hindi ko na naituloy pa ang aking tanong gawa nang bigla siyang tumayo at tumalikod, hindi ako pinansin. Itatanong ko pa sana kung ano ang nangyari at kung bakit ako naroon. Walang pasabing tinumbok niya ang kabilang kama atsaka humiga ng patagili

