“S-sigurado kang gusto mong gawin iyan?” ang tanong niya. “Oo...” ang nagtapag-tapangan ko ring sagot. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumingit sa isip ko ang ganoong kundisyong Russian Roulette. Ni makakita nga lang ng baril ay natatakot na ako eh. Marahil ay bunsod lang iyon ng matinding pagkadismaya ko sa kanya na gusto ko na talaga siyang patayin at sa paraan na hindi madungisan ang aking mga kamay ng dugo ng kasamaan niya kaya ganoon na lang ako katapang. “Bakit, takot ka?” ang dugtong ko pang panghahamon. “Hindi ah! N-nakapatay na ako, maraming beses na akong nakakakita ng patayan... hindi ako takot mamatay. Lalo na’t kung ito ay para sa iyo.” “Ganoon naman pala eh,” ang sagot ko. At pinanindigan ko na talaga. Ang tanging nasa isip ko ay kung paano mabunyag n

