By Michael Juhagetmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------------- “Okay... okay... naisahan mo ako, ‘Tol,” ang sambit ni Archie nang nahimasmasan na, ngumingiting nagpailing-iling bagamat kitang-kita pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata. Tawa naman ako nang tawa. “O di ba, Kuya? Tunay na talaga tayong magkuya. Itinadhana talaga na tayo ay maging magkuya.” “Oo pero sobra mo akong ginulat, himatayin ako!” ang sagot niya. Nagtawanan kaming lahat – ang inay, ang mommy ni Jerome, si Dr. Ramirez. At pati ang mga tao ay nagpalakpakan at naghihiyawan. “Ang cute nga eh! Pinagplanuhan talaga namin iyan ng...” tinignan ko si Dr. Ramirez, “...Daddy mo. Di ka ba masaya?” Binitiwan niya ang isang ngiti sabay yakap sa akin. “Syempre, sobrang saya. Ti

