[ Pangsampong Tabas - 3 ] "BAHAY ito ng Ninong mo bhe?" Pagkamangha ko talaga. Nasa loob ng Village ang kinatitiriran ng MANSYON ng Ninong ni Eron--at malayo ang bahay na iyon sa ibang bahay pa. Mula sa labas--kapansin pansin ang glass wall ng balcony sa kanan na may table at chair sa loob. Kulay Puti ang tema ng mansyon na napapalibutan ng mga nagtataasang puno, may maliit na hardin sa harapan ng Main door na may taas na labing limang talampakan. "Oo, ang laki no? Pero siya lang mag-isa naninirahan diyan--at walang tao diyan kapag nasa States siya." Sagot ni Eron kaya mas lalo pa akong napa-ekspresyon ng GRABE, IBANG KLASE. "...sabi ko naman sa iyo, mas mayaman talaga si Ninong kaysa sa mga Guererro." Nakangiting dagdag ni Eron. Lumapit siya sa doorbell at pinindot nya. NANG dahil kay

