[ Pangsampong Tabas - 4 ] BUHAT-BUHAT ko si Eron habang palabas kami ng banyo. Nakalapat ang kanang palad nya sa kaliwang pisngi ko. Maamo siyang nakamasid sa aking itsura. Pagkalapit ko sa dulong paahan ng kama ay pinatong ko ang kanang tuhod ko at dahan-dahan kong inilapag si Eron sa ibabaw ng kama. Kapwa pa kami hubad kaya naman pinagmasdan ko munang muli ang kaniyang hindi nakakasawang katawan, makinis, maputi, malambot, mabango. At kagaya ko--nakatingin din sya sa akin. Dahan dahan akong pumayuko at hinalikan ko ang kaniyang tiyan--matagal kong nilapat ang labi ko sa isang parte ng tiyan nya. Nakapikit ako at naramdaman ko na hinimas nya ang batok ko. Sinimulan kong halikan pa ang ibat ibang parte ng tiyan nya--panay ang mahinhing pagkaka-ungol nya. "Kahit buong magdamag ko hahalik

