[ Pangsampong Tabas - 5 ] MULA sa kaliwa ng litrato--nakatayo si Sir Felimon, bahagyang nakataas noo, nakahawak siya sa itim na suit nyang ipinatong sa pulang polo--nakaitim na pantalon at itim na balat na sapatos--sa kaliwa nya si Maam Lydia na hinahawakan ni Sir sa beywang nito kaya bahagyang nakatagilid-parahap si Maam kay Sir. Maayos na naka-spray at magara ang pagkaka-ayos ng kaniyang buhok na halos parang kulay ng kalangitan sa tuwing palubog ang araw. Nakasuot si Maam ng itim na itim na magandang gown--halos kita ang malaki at malusog na dibdib ni Maam dahil hanggang sa dibdib lang ang suot nya--mahaba pababa--magkapatong ang palad nya na nakapwesto sa ilalim ng dibdib nya. Kapansin pansin din ang malaporcelana nyang balat, mula sa leeg; na may suot na gintong kwentas na may bat

