CHAPTER 1
Nasa labas ako habang abala sa aking pagseselpon. Tuwing hapon kasi ay nagbabasa ako ng tungkol sa aking inutil na ama. Isa kasi akong anak na nangungulila sa kanyang pagmamahal!
Dahil sa naging sakit na kanyang naramdaman, naging sandigan niya ako. Ako lamang daw ay sapat na! Sabi nga niya sa akin ay sobrang proud daw siya na ako ang naging anak niya sapagkat isa akong matalinong tao lalo ng pera, marahil daw ay minana ko ito sa aking milyonaryong ama.
Hindi makakaila na nasasaktan pa rin ang nanay ko sa sinapit ng kanyang buhay. Simula kasi noong talikuran siya ng ama ko sa responsibilidad nito, tila ay naging matamlay na ang kanyang buhay! Wala raw siyang maasahan kahit na singkong duling dahil kapag nalaman ng asawa niya ang tungkol sa akin ay siguradong maaapektuhan nito ang kanyang mga negosyo at ang tahimik niyang buhay.
At ang masakit na narinig ng aking ina galing sa kanya ay isa lamang daw siyang parausan at dapat niyang sisihin ang kanyang sarili sapagkat hindi siya gumamit ng contraceptive.
Sa tuwing ikinukwente ng aking ina ang kanyang naging karanasan, hindi niya mapigilan ang pagpapatak ng luha sa kanyang mga mata. Kaya bilang isang anak, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang makaharap ang aking totoong ama at ibuhos ang matinding galit ko sa kanya!
Samantalang hindi lamang ito ang gustong mangyari ng aking ina. Ang gusto niya ay ang matinding paghihiganti! Yung tipong dapat daw ay mawala rin ang mga bagay na pinaghirapan ng afam kong ama at magdusa siya sa lahat ng kanyang ginawa.
Sa ngayon, I am one step closer to achieving that revenge! Nakapasok kasi ako sa kanyang kumpanya bilang isang Sales assistant at heto ako, pinapanood kung ang tamis ng kanilang tagumpay.
"Angelo, MAGKUKWENTUHAN PA TAYO!" malakas na sigaw ng aking ina mula sa sala na kung tutuusin ay malapit lamang sa aking kinalalagyan. Ewan ko ba pero nakaugalian na niya ang pagsigaw kahit na kung tutuusin ay maliit lamang ang aming tahanan.
Napakamot ako sa ulo at naglakad habang nakatingin pa rin ako sa aking cellphone nang bigla akong maaksidente.
"Aray!"
"Oh ayan, ang tanga tanga mo talaga kahit kailan Angelo, selpon pa more ang peg mo jan. Nakakaloka talaga ang mga kabataan ngayon. Noong generation namin, hindi naman kami ganyan eh!"
"Generation niyo yun. Iba na po ngayon ma, pwede na ngang manligaw gamit ang cellphone eh!"
"LETSE!"
Nakapamewang ang aking ina at tinaasan niya ako ng isang kilay. "Kamusta naman ang demonyo mong ama? Balita ko sumakabilang bahay na siya?"
Sumabat naman ako, hindi para ipagtanggol ang aking ama kung hindi ipagtanggol ang aking sarili. "Opo alam kong dimunyo ang ama ko kaya sa inyo lamang po ako papanig... sa inyo lang at wala nang iba pa!"
Dinuro ako ng aking ina habang patuloy siya sa pangsesermon. "Walang araw na hindi ko hinintay ang pagkakataon na ito. Kaya anak, maraming salamat dahil sa pagsunod mo sa akin. Ano at ano pa man ang mangyari, mapapatawad rin natin ang ama mo pero maghihiganti muna tayo!"
Naramdaman ko ang excitement sa tono ng pananalita ng nanay ko. Tiningnan ko siya at nakikita ko kung gaano niya ako pinapahalagahan at kung paano niya pinanghahawakan ng labis ang kanyang paghihiganti. Siya lang ang nagturo sa akin niyan and I believe my mother knows what is the best!"
"Ma... start na po ako bukas sa work!" Mariin kong sabi sa kanya.
Huminto siya sa pagkain at hinawakan ang aking kamay. "Anak, ito na ang panahon na pinakahinihintay natin! Ang panahon kung saan ipapatikim natin sa iyong ama ang batas ng isang api!"
Galit ang umiiral sa mga mata ng aking ina at ramdam ko sa kanyang tono ng pananalita ang pananabik sa aming napipintong paghihiganti. Huminga muna ako ng malalamin at inipon ko muna ang aking lakas ng loob upang muling magsalita. Gusto ko kasing maramdaman niya na wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang matupad ang kanyang gusto.
"Opo ma... simulat's sapul, wala naman po akong ibang inisip kung hindi ang magdurusa ang aking amang inutil. Mahalaga po kayo sa akin at kung ang pagbagsak ng aking ama ang magpapaligaya sa inyo, ito ay aking gagawin!"
"Siya nga pala anak, alam ko na paulit ulit ko na itong sinasabi sayo. Ako lamang at ang plano nating dalawa ang dapat na umiral sa puso at isipan mo, gusto ko lamang itong linawin!"
Tiningnan ko ang aking ina sa kanyang mga mata dahil gusto kong malaman niya na buong puso kong susundin ang kanyang gusto. "Yes nay Flor! Makakaasa po kayo na ito muna ang aking gagawin. Pipilitin kong mapalapit sa kanya at isakatuparan ang ating mga plano!"
"Good boy! Ang bait mo naman pero sana wag ka pang kuhain sa akin!"
Pagkatapos naming magkwentuhan ay nagtungo ako sa aking room at hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa kaming iwan ng aking ama.
Ewan ko ba, nanginginig ako sa galit pero imbis na tumigil, lalo ko pang inilulugmok ang aking sarili kaya lalo akong nalulungkot. Tanging imaginations na nga lang ang maaari kong gawin sa aking isipan, ang sarap sigurong maging isang anak ng isang milyonaryo? Yung tipong wala ka na masyadong iisipin pa sa buhay at puro utos ka na lang!
Lumalim na ang gabi at halos mabalot na ng katahimikan ang buong paligid at sobra talaga akong nabibingi sa katahimikan kaya mabuti na lang at tumitibok ang puso ko. Kahit kasi na sa skwater area lamang kami nakatira, 'di hamak naman na matitino ang mga tao rito at mababa ang crime rate. Nagtalukbong ako ng kumot sa buo kong katawan upang hindi ako makagat ng lamok. Akala ko ay dadapuan ako kaagad ng antok, pero nagkamali ako!
Guess what? Hindi ko pa rin maialis ang isipan ko tatay Carlo ko na mayroon na ring katandaan. At taliwas sa sinabi ko sa aking ina, aminado ako na isa talaga itong tanyag sa paghawak ng kanyang pera. Pero hindi na ako interesado sa kanyang mga pamana! Kuntento na kasi ako sa ganitong klase ng pamumuhay, "simple pero masaya!"