Pag-uwi ko ay malalim na ang gabi. Sarado ang tindahan namin at pagpasok ko sa loob nadatnan ko ang nanay ko na tulala habang hawak niya ang bote ng alak. Nalulungkot ako kasi feeling ko ay depress na naman siya. Sinara ko ang pinto subalit hindi pa rin siya lumingon sa akin. Inilapag ko ang gamit ko sa gilid at lumapit ako sa kanya upang kuhain ang bote. "Ma, tama na ang inom gabi na po!" Hindi siya nakinig sa akin, kukuhain ko na sana ang bote ng alak subalit ayaw niya itong bitawan. Hinawakan ko siya sa balikat at nagtanong. "Ano po ba ang nangyari ma? Puwede naman po nating pag-usapan ng masinsinan ang problema mo. Sorry kung wala na akong panahon-" Biglang nilapag ni mama ang bote at tumingin sa akin. "Magtapat ka nga sa akin, lumalapit na ba ang loob mo sa inutil mong ama? Wag m

