Kinabukasan, pumasok ako ulit ng maaga at kinausap ko kaagad si Enzo, nagmatigas ako na ayaw kong mawalay sa tabi ko si Andrea at pumayag naman siya. Bumawi naman kaagad si Enzo dahil binigay naman niya ang allowance ko na twenty thousand para raw mayroon kaming pang date ni Andrea. Finally, uwian na at magkasama na naman kami ulit ni Andrea na umuwi. Sa ngayon, inilihim muna namin ang aming nabubuo naming relasyon sa mga katrabaho namin. Tanging si Enzo lamang ang nakakaalam at masaya ako dahil masaya at suportado niya kaming dalawa. Nagpunta kaming dalawa ng mall ni Andrea at this time, ako naman ang taya. Kumain kaming dalawa sa fast food chain at sobrang nag uumapay ang kaligayahan na nararamdam ko. Naging paksa namin ang darating na event. "Grabe ang bilis ng panahon at nagiging bu

