"Ah okay, but I think iba pa rin sa personal mag usap. Anyway that is your life, pag naubos ko na ang kape ay aalis na tayo!" Sa mga sandaling ito, pasulyap sulyap ako sa pintuan ng nanay ko. Anytime kasi ay pwede siyang magising sa boses naming dalawa ni Enzo. "Siya nga pala, grocery lang ba ang naging hanapbuhay ninyo?" "Oo yun lang. Grabe, literal na iginapang talaga niya ako sa pag-aaral noon kaya nga gusto ko talagang iahon siya sa kahirapan!" Pinuri naman ni Enzo ang dedikasyon ko. "Your mom is surely proud of what you have accomplished and what you will accomplish in the future. Look, alam natin na walang yumayaman na empleyado not unless na promote sila sa mataas na posisyon or nagkaroon ng ibang business. I know God has prepared something for you and your mom and the fact that

