Bago kami pumasok ay nag register muna ako ng pangalan sa lobby at ipinakilala ako ni Enzo sa magandang nakaupo sa lobby. Sobra akong naaakit sa mga titig niya, isama pa ang kanyang mukha na sobrang baby face. Kung wala nga lang ang girlfriend ko, baka makipag kaibigan ako sa kanya. "Hello Shella, si Joe nga pala. Tropa ko siya and he is here to become physically fit. Kagaya ng napagusapan natin last time, you want become his instructor, right?" "Yes I do!" sabi niya na halatang excited. "But not this time," tinapik na naman ako ni Enzo. "Nandito kasi ang girlfriend niya. Anyway, I will shoulder his payment for the lifetime subscription!" Napatingin ako kay Enzo sa gulat ko sa sinabi niya. "Teka lang bro, I'd rather stay here hanggang bago mag fashion show. Ayaw ko nang mag stay ng mas

