Mavvie. Nang matapos kami ni Anne kumain napagpasyahan namin na umuwi na. Halos kalahating oras din kaming nasa loob ng restaurant dahil sa kwentohan. Aakalain mo talaga na ang tagal naming hindi nagkita dahil sa mga tsesmis niya. "See you tomorrow Mav. Are you sure na hindi ka sasabay sa akin?" Tanong niya ng makalabas kami ng mall. Tumango ako at ngumiti sa kan'ya. "Oo, tsa'ka may pupuntahan pa ako. Mauna ka nang umuwi, kita na lang tayo bukas sa school." "Tssk!" aniya sabay nguso. "Alam mo, feeling ko may tinatago ka na sa akin." "H-huh!?.. A-ano naman?" Kunwaring naguguluhan kong tanong habang natatawa. "E, kase. Ayaw mo na akong kasabay umuwi ngayon, tapos hindi mo rin sinasabi kung saan ka na nakalipat ng inuupahan. Nakakatampo kase parang hindi ko na ako kaibigan Mavvie. Am

