Mavvie. Matapos ang kaganapang nangyari sa aming dalawa ni Stellan. Minabuti kong umalis sa pwesto nang sa ganon ay hindi na siya makahirit pa. Pumasok ako sa kwarto para maligo ulit. Nag-aasikaso na ako para sa lakad namin ni Anne mamaya. May oras pa naman kaya may time pa akong mag ayos ng sarili. Nang sumapit ang 5:30 pm. Hinatid ako ni Stellan sa mall na pagkakakitaan namin ni Anne. Hindi ako tumutol na ihatid dahil magpupumilit rin siya. "Dito na ako sa loob Mavvie. I'll text you na lang kung nasaang store ako." iyan ang sabi ni Anne sa tawag kanina bago pa kami umalis ng bahay. Nang marating namin ang mall agad kong tinanggal ang seat belt sa katawan habang dala ang takot sa puso na baka makita kami ng ibang nakakalilala sa'min, lalo na si Anne. Kilala ko siya,pero may tiwal

