Mavvie. "Anong ginagawa mo rito Stellan?" Tanong kong natataranta na baka may makakita sa amin. Hindi siya umimik bagkos ay binuhat niya ako ng maayos pang kasal kasabay non ang malakas kong pagsinghap dahil sa gulat. Naisukbit ko na lang ang kamay sa batok niya para hindi ako mahulog. "Saan mo ako dadalhin?" "Somewhere, na tayo lang ang magkasama," sagot niyang seryoso habang ang mata ay nakatingin sa daan at hindi sa'kin. Napalunok ako ng laway dahil sa uri ng pananalita niya parang galit at sa itsura niyang seryoso, pakiramdam ko nga naiinis siya, nagpipigil lang dahil kasama ako. Padilim ng padilim ang dinadaan naming hallway na siyang pinagtataka ko kung saang lugar ba ito at bakit ngayon ko lang nalaman? Mukhang marami pa talaga akong walang alam sa buong campus na lugar

