Mavvie.
Maaga pa lang gumayak na ako papunta sa University. Naligo at kumain lang ako ng kaunti bago umalis sa inuupahang bahay. Hindi kalakihan hindi rin maliit sakto lang para sa akin. Mababait ang kapit bahay ko ganoon narin ang may-ari, at safe ang lugar sa mga basaguliro o sa mga magugulong tao.
Malapit lang rin ito sa university kaya maaari kong lakarin papunta roon. Pero sa ngayon baka sasakay na lang sa tricycle para mas madali dahil late na ako.
Dala ang bag na may lamang laptop papalabas ng bahay nang makita ako ni Aling Susuna.
"Ohhh hija, late ka na!"
Ngumiti ako sa kanya.
"Oo nga po. Nandyan po ba si Anton? Papahatid na lang po sana ako sa school."
"Narito saglit at tatawagin ko."
Iniwan niya ang walis tingting sa tabi at agad pumasok sa loob ng bahay para matawag ang anak.
"Nariyan na hija, hintayin mo lang saglit."
Ngumiti ako bilang tugon at biglang napatingin sa relo. Maaga pa naman mamaya pang nine-am ang turo ko, kaya ayos lang kung ma-late ng kaunti.
"Dalian mo riyan anak!"
"Ayos lang po Aling Susuna. Hindi naman ako po nagmamadali e!"
"Kahit na ngayon lang kita nakitang late, mainam nang makapasok agad."
Lumabas sa pinto si Anton at nahihiya tumingin sa akin.
"Sorry ma'am, nagbihis lang po ako saglit."
"It's okay, hindi naman ako nagmamadali." Sagot ko.
Agad niyang pinaandar ang tricycle at nilabas sa bakuran nila. Sumakay na ako para umabot pa sa oras.
"Late po yata kayo ma'am?"
"Oo nga! Ang dami ko kasing ginawa kagabi kaya late nang nagising kanina." I said.
He's single, and professional engineering. Ang sabi ni Aling Susuna nagleave siya ng dalawang linggo dahil sa nalalapit niyang kaarawan.
"Thank you sa paghatid Anton, ito pamasahe ko!" Inabot ko ang barya sa kanya bilang pamasahe.
"Huwag na keep it ma'am."
"Pero nakakahiya sa abala!"
"It's okay!" Anito at agad pinaandar ang tricycle.
Nagtataka lang ako sa kinikilos niya, pero hinayaan ko nalang. Wala ang Papa niya kaya siya ang naghatid sa akin.
"Good morning ma'am!' Bati ng bodyguard namin.
I smiled.
Nagmamadali akong naglalakad sa hallway at pana'y ang sulyap sa relo ko. Sa pagiging taranta bigla na lang akong may nabangga.
Namilog ang mata ko sa gulat dahil nahulog ang laptop ko.
"Ohh my gosh!"
"Damn!" Mahinang bulalas ng nakabangga ko.
Agad kong pinulot ang bag ng laptop. Bumuntong hininga ako dahil hindi sa simento bumagsak ang laptop.
Hinarap ko ang bumangga sa akin at pinanliit siya ng mata dahil sa inis. Nakatalikod siyang pinupulot ang earpad na nahulog. Napatingala ako bigla nang tumayo siya at biglang tumingin sa akin at kunot noo.
Suminghap ako ng mahina at namamangha siyang tiningnan sa mata.
He's handsome and tall. Naka suot siya ng itim na leather jacket at itim na itim na pantalon. All block pero bagay na bagay sa kanya.
Ang ganda ng pagkakatangos ng ilong na akala mo ihulma ng pagkaganda ng subrang perpikto. Lumakad ang mata ko papunta sa labi niyang natural ang pagka pitch parang pangbababae ang labi grabi. Yung mata niya ang pupungay ngunit nakikitaan ng galit at pagkainis.
"Are you done staring me?"
Napakurap ako sa boses niya. Pati ba naman boses ang pogi.
Wait.... Wake up Mavvie, his a stranger.
I sigh. "I'm sorry, but next time. Baka pweding tumingin sa daan? Muntik mo na masira ang laptop ko ohhh!" Turo ko sa laptop at sa mahinahong salita.
"Kung hindi ka ba naman tanga, hindi ka sana mababangga."
What did he say? Tinawag ba niya akong tanga?
"Are calling me a stupid?"
"You heard me, or do you want to repeat?" Nang aasar niyang sambit at halata rin ang inis dahil sumasalubong ang kilay niya.
Ang gwapo sana ang yabang lang.
Bumuntong hininga ako at nakipag titigan sa matatalim niyang mata. Lumunok siya ng laway, kaya napatingin ako sa adam's apple niya.
Sinaway ko ang sarili at muli siyang tinitingnan. Alaka kasi ng hambog na ito uurungan ko siya.
"Excuse me Sir. I'm not a stupid like what you said. And I'm not blind para hindi makita kung saan parti ako ng daan lumakad. Nasa gilid ako para hindi mabangga nang kung sino. Pero ikaw itong naglalakad na kung sino sa gitna ng daan. Sahalip na humingi ng sorry ang yabang mo pa. Where's your manners?"
He look my whole body twice na para bang pinapasadahan ako ng tingin o pangungutya marahil. Basi sa itsura niya mas mukhang matanda siya sa akin pero ang pag-uugali ang bastos.
Sumalubong ang mata namin na parang bang may magnet na hindi maalis.
"Ma'am Reyes, any problem?"
Una akong bumababa ng mata upang malingon ang tumawag sa akin. Ngumiti ako kay Anne co-teacher ko nang makita siyang papalapit sa amin.
Umiling ako sa kanya at nang makalapit agad kong inikot ang katawan para makaalis na.
Hindi na ako tumingin sa mayabang na lalaki dahil sa inis. Nang makarating sa faculty binagsak ko ang katawan sa swivel chair at bumuga ng hangin.
"Ang lalim non ah!"
Lumingon ako kay Anne at ngumuso. Magkatabi ang table namin at ang tanging nakaharang lang sa pagitan isang glass wall na matibay pero may mga stickers nakadikit.
"Paanong hindi maiinis ang aga-aga may mababangga kang mayabang at walang respito tssk!"
Humagikgik siya bigla na parang kinikiliti.
"Iyong pogi ba kanina?" Aniya.
"Anong pogi? Hindi nakakapogi ang pagiging bastos tssk, antipatiko!"
"Pero cute siya! Do you think his a teacher like us? Or investors?"
Kibit balikat kong sinagot siya at sinaway, ayaw ko na siyang pag-usapan dahil naiinis lang ako.
Christal Anne Martinez is my co-teacher and friend too. Kaklase ko siya noong college at sabay din kaming natanggap sa trabaho para magturo sa paraalaang pinangarap namin. We are both a teacher license. Nagtuturo ako first year college habang siya ay sa third year. Anim na taon na akong nagtatrabaho rito at masasabi kong maayos naman ang lahat. Nakakabigay ako ng sahod kay Nanay at Tatay napag-aral ko rin ang dalawa kong kapatid ng college sa probinsya namin. Gustohin ko man na sila ay dito pumasok umayaw sila at ayaw iwaan ang magulang namin.
"I have to go beb's!" Pamamaalam ni niya kaya tumang ako at kumaway.
Maya-maya pa naman ang turo ko kaya tinatapos ko lang ang PPT para gagamitin sa discussion mamaya.
I'll text Albert my boyfriend para sunduin ako mamayang uwian.
Albert: I'm sorry Love, OT ako mamaya!
Ngumuso ako nang mabasa ang text message niya. Napadalas na kasi ang over time niya, at halos hindi na kami nagkikita.
Ako: Okay take care of yourself Love I love you.
Muli akong bumuntong hininga.
Inayos ko na ang sarili para pasukan ang unang klase sa umaga.
"Good morning ma'am!" Bati ng iilang student nang makapasok ako sa classroom.
"Good morning everyone who's absent?" Tanong ko na may ngiti habang inaayos ang mga gamit sa table.
"Wala po ma'am present po lahat!"
"That's good! Are you guys ready?"
"Yes ma'am!" Sabat naman ng pinaka maingay sa klase.
"Aba excited ka yata Mike?" Naiiling kong tanong.
"Naku ma'am alive po yan kapag ang topic tungkol sa mga kalukuhan." Singit naman ni Angel.
"Okay that's enough class, let's start!" Awat ko sa kanila.
Binuksan ko na ang laptop at kinonek sa projector. Nasa harap ako at nakangiti sa kanila. Bago pa man ako magsalita napatingin ako sa pinto nang may kumatok at nakita ang President ng University.
Nagulat ako dahil sa presinya niya. Lumapit ako sa kanya at nakangiting bumati.
"I'm sorry for disturbing you Ms. Reyes, I would like to say that for now ang anak ni Mrs. Ortales ay dito mag-aaral sa university and his here. He's taking your subject by the way. Dahil irregular siya." He said.
I smiled and nodded.
"No problem sir, papasokin nyo na lang po rito." Sagot ko.
"Sure!"
Biglang nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang tinutukoy niya.
"Ikaw!?" Halos pasigaw kong bigkas kaya nagtatakang tumingin sa akin si Mr. Ramos.
"Did you know him Ms. Reyes?" He asked.
Tumingin sa akin ang lalaking nakabanggaan ko kanina na may pagtataka rin sa mata. Hindi siya ngumiti o mas madaling sabihing wala siyang kibo. Para siyang isang robot kung makatitig sa akin.
"No, sir!" Naiiling kong sagot.
"Okay then please excuse me. Ikaw nang bahala kay Mr. Ortales."
"Y-yes sir!" Aniya ko bago siya umalis.
Tumingin ako sa kanya ngunit tinaasan lang ako ng kilay.
Aba't ang yabang parin at walang respito na lalaking ito ah? Hindi n'ya ba alam na ako ang teacher n'ya? Kahit naman siguro matanda siya sa'kin maronong parin dapat siyang rumispito.
"Come here Mr. Ortales!" May diin kong bigkas sa apilyedo niya.
Bumuntong hininga siya at sinunod ang sinabi ko. Pagpasok niya sa loob bulungan ng kababaihan ang mga naririnig ko.
"Hala sino s'ya bat ang gwapo?"
"Grabi, parang oppa sa pogi."
"Mas gwapo pa sa oppa kamo."
"Akin ka lang po!"
Naiilang nalang ako sa mga kabataan ngayon. Bulong lang iyan pero rinig na rinig ko, at marahil narinig rin niya.
"Good morning again class we will have a new member of this class!"
Tumili ang ibang kababaihan sa sinabi ko. Yung iba namumula pa.
"Class quiet!" saway ko at tumingin sa kanya. I smiled at him kahit labag sa loob ko. "Mr. Ortales can you introduce yourself with us? What's your name, hobbies and something else about yourself, para makilala ka naman ng classmates mo."
"I'm Stellan Gray Ortales, ang nag-iisang anak ng may-ari ng university na ito. I know that I'm handsome, and I love fvcking girls, parties or night clubs. I'm 32 years old. Don't call me kuya instead call my name, that's all!"
Tulala halos kaming lahat sa pinag sasabi niya. He's vulgar person. Ang sabi ko magbigay lang detalye tungkol sa sarili niya, pero ang ginawa niya ang magyabang. Pati ba naman mga kabastohan na gawain sinabi? At ilang taon na daw? 32? Talaga? Pero kung umasta magsalita kung sino. Hindi pa niya alam na ang babata pa nang kaklase niya?
Tumingin siya sa akin ngunit inilingan ko lang. Lumapit ako ng kaunti sa kanya at pilit ngumiti para hindi halata ang inis ko.
"Palabiro ka pala Mr. Ortales, you may sit down. Doon ka na sa tabi ni Charlie," turo sa kaklase niyang nasa gitna banda.
Tamad siyang kumilos at agad tumungo sa likuran. May bakanti pa roon kaya doon siya umupo.
Ang yabang talaga.
"Okay.. Let's start for our discussion!"
Nagsisimula na akong magsalita sa harap at naging maingay ang klase dahil sa pagpaparticipate nila. Understanding the self ang hawak kong subject sa kanila kaya ang dami kong tanong na gusto naman nilang sagutin.
Kahit nakangiti akong nagtuturo, hindi maiiwasang nawawala dahil sa malagkit at nakakalikabot na titig mula kay Stellan kuno. Bawat galaw ko ang mata niya ay nakatitig lang. Kaya hindi ko na natiis.
"Are you with us Mr. Ortales?"
He smirk.
"Yes ma'am!"
"Then why are you looked at me like that? May hindi ka ba naiintindihan sa tinuro ko or baka may gusto kang itanong?"
"Do you have a boyfriend?"
What? Anong klasing tanong yun? Parang sa tanong niya isa lang akong babae sa kanto at hindi niya guro.
"What are you talking about? Your question is not related to our topic, that's my personal life Mr. Ortales."
"Tangtatanong lang naman po ako Ma'am!" Aniya na pinaganda pa ang pagtawag ng ma'am sa huli.
"Oo nga po ma'am, may boyfriend na po ba kayo?" Gatong naman ng isa kong estudyante.
"Meron na yan, sa ganda ba naman ni Ma'am malamang meron. Hindi po ba ma'am?" Sabat naman ng isa.
Umiiling akong ngumiti sa kanila. "That's enough class, it's time I have to go!"
"Ma'am!?" Halos sabay-sabay nilang sambit dahil hindi ko sinagot ang tanong.
"Bye!" Pamamaalam ko sa kanila.
Sa paglabas ko siya ring labas ni Stellan. Sa kabaling pinto. Tumingin siya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.
"Hey!"
Kumunot ang noo ko sa pagtawag niya sa akin. Hindi ko parin siya pinapansin habang naglalakad papunta sa kabilang section na pagtuturuan ko.
Nagulat ako sa paghawak niya sa pangpulsuhan ko at agad hinila kung saan.
"Mr. Ortales what are you doing?"
Hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami sa isang makitid at tagong lugar. Kinabahan ako, sa subrang kaba bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Winasiwas ko ang kamay niya at tiningnan siya ng masama. Hindi dapat ganito ang pakikitungo ko sa estudyante pero sa kanya kumukulo ang dugo ko.
"I'm sorry about earlier Ma'am!" Mahinahon ngunit ang mata niya ay titig na titig sa mata ko.
"Kung hihingi ka lang pala ng sorry, dapat hindi mo ako dinala rito."
"Why?"
"Why? Are you crazy? I'm your teacher Mr. Ortales and your my student. What do you think if they saw us here?"
"SO?"
"So???????"
Napahawak ako bigla sa batok dahil sa inis at dahil narin sa pangangalay kakatingala sa kanya sumabay pa ang pananakit ng ulo.
"I think you don't understand Mr. Ortales. Sorry accepted, so can I go? Late na ako sa susunod kong klase dahil sayo."
"Hatid na kita Ma'am!" He said and smile.
"NO!" Agad kong saway. "Wala ka bang sunod na klase?"
"Meron."
"Then go!"
"Okay, then take care sweetie!" Aniya at kumindat pa bago tuluyang umalis.
Kinilabutan ako sa pagbabago niya. Is he calling me sweetie? What the? Anong problema ng lalaking yon? I'm not the other girls like what he think. Teacher n'ya ako pero ang lakas ng loob niyang tawagin akong s-sweetie? And he's older than me, kaya alam ko ang mga tipo niya. Gurang na playboy at mayabang tssk... Ano bang ginagawa niya?
"Psst, Ma'am Mavvie, alam mo na ba ang balita?" Bungad ni Anne nang makapasok ako sa faculty.
Kinaladkad niya ako sa pwesto namin na para bang importante ang sasabihin.
Kakatapos ko lang ng last class ko, at mamayang alas doz pa ang kasunod. Pagod kong binagsak ang sarili sa upuan bago siya nilingon ng may pagtataka.
"What is it?" Balik kong tanong.
"Narinig kong dito raw mag-aaral ang anak ng may-ari nitong university."
"So?"
"Wala lang I'm just curious lang sa itsura niya. Ang sabi kasi gwapo raw!"
Inikot ko ang mata para umirap. Anong mapapala sa gwapo kong bastos?
"Gwapo nga, pero ang gaspang nang pag-uugali." Inis kong sambit.
"Did you meet him?"
Agad akong napatingin sa mata niya at ngumiti.
'Oo, at ang kapal ng mukha at ang pangit ng pag-uugali' Sigaw ng isipan ko.
Sinabi kong pinakilala siya sa'kin ni Mr. Ramos kanina, at may subject siya sa akin. Sinabi ko ring siya iyong nabangga ko kanina lang.
Pigil na pigil siyang tumili dahil may kasama kami rito bukod sa amin.
Kweninto ko sa kanya ang lahat ng nangyari, at sa halip na mainis. Tuwang-tuwa pa sa nalaman.
"Malay mo kayo talaga ang meant to be," biro pa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"You know that I have a boyfriend teacher Anne!" may diin kong bigkas.
"I know teacher Mavvie. Pero sa kaso nyo kasi--"
"That's not our problem Anne, his busy, and I trusted him so much no matter what," aniya ko sa pagputol ng ano mang sasabihin niya.
"Wala pa akong sinasabi Mavvie."
"Pero papunta na ang punto mo roon."
She shook her head, "I'm just concerned about you Mav."
"I know, but I love him so much. Kaya huwag mo nang ipilit ang ibang tao sa akin. Kung gusto mo sayo na sya." Nakangiting biro ko.
Ngumuwi ang bibig niya at umiling.
"Mas bagay kayo!"
"Christal Anne Martinez!" My warning.
Agad niyang tinaas ang kamay at nagpeace sign.
Umiling ako at ngumiti na lang. Sinilip ko ang cellphone nang maramdaman nag vibrate.
Briana: I'm sorry, dear I have meeting later.
Text nang best friend ko. Ngumuso ako at nakita iyon ni Anne.
Ako: Okay, text if you are not busy, may next time pa naman para makita uli tayo.
Bumuntong hininga ako at nalulungkot tumingin kay Anne.
"Nagdududa na talaga ako sa kanila Mav."
"Ano ka pa they busy!"
"Busy baka, busy silang nagsasaya habang ikaw itong si-- No offend pero kasi--"
"They not what you think Anne," pagod kong paliwanag sa kanya.
Magkasama ang boyfriend at best friend ko sa iisang company. Baka coincidence lang ang lagi nilang sabay maging busy.
"Don't worry girl akong bahala sa boyfriend mo magsusumbong agad ako kapag may babaing nilalandi ito."
That's my best friend said nang sabay silang natanggap sa company na pinasokan.
Winaksi ko sa isipan ang negatibong iniisip, at pilit ngumiti kay Anne.
"Kumain na kaya tayo Anne, kanina pa ako nagugutom." Ani ko, dahil magtatanghalian na. Para makaiwas na rin sa susunod niyang tanong.
May tiwala ako sa boyfriend ko at sa best friend ko, kaya wala akong dapat ikabahala.
"Okay nagugutom na rin ako e. Sa canteen na tayo kakain para libre."
"Oo kilala na kita tssk!"
Iniling ko ang ulo nang tumawa siya ng mahina. Kahit may trabaho kaming dalawa at malaki ang sweldo, nagtitipid parin kami. Tulad ko may mga sinusuportahan din siya na pamilya.
"Ma'am, yung dati po ba?" Nakangiting sambit ni Aling Deliala, nang makarating sa canteen at makita kami.
Umiling ako kay Aling Deliala, sa tanong niya. Alam na kasi niya ang mga binibili ko rito kaya iyon ang tanong niya.
"Bulalao na lang po at sisig Aling Deliala," sagot ko.
"Sure ma'am, wait nyo lang po!"
"Same with her ang order ko Aling Deliala."
Ngumiti at tumango siya kay Anne bago kami pinaghintay ng ilang menuto. Umupo kami sa bakanteng lamesa at doon naghintay.
Kakaupo palang naming dalawa nang may marinig kaming nga bulungan galing sa mga estudyante.
"Siya iyon, yung bagong transfer dito."
"Balita ko siya ang anak nang may-ari nitong university natin."
"Ang pogi sino kaya siya."
Napabaling ako sa mga tinitingnan ng mga bata, at nakita ang kinaiinisan kong tao simula kaninang umaga.
He smiled when I look at me lumakad siya. Kumunot ang noo ko nang mapansing papunta siya sa kinaruroan namin.
"Hi ma'am can I sit here?" Anito ng makalapit sa harap ko, at titig na titig kung tumingin.