CHAPTER 2.

3000 Words
Mavvie. "Sure, may space pa naman." "Anne!?" Mahina ngunit may diing bigkas ko para sawayin siya. "Huwag mo na lang pansinin si Ma'am Reyes," nakangiti niyang sabi kay gurang. Inikotan ko siya ng mata, at bumuntong hininga. "Ma'am!?" He said, and I think he wait my permission. I looked at him. "Fine, sit down Mr. Ortales." Ngumiti siya ng tipid at tumabi sa akin. Tumaas ang kanang kilay ko at kunot noo siyang tiningnan. "You don't have to sidestep on me Mr. Ortales. Marami pang space," reklamo ko. Napakamot siya sa ulo at nahihiyang tumingin kay Anne. "Don't mind her, diyan ka na." I looked at her once again and shook my head. I tsked, parang kinikilig pa kasi siya sa pagtabi ng gurang na ito sa akin. Nang dumating ang order namin, nagsimula na akong kumain. Wala na akong naging pakialam sa paligid, basta subo lang ako ng subo dahil sa gutom. Bagama't my mga matang nakatingin sa akin, isiniwalang bahala ko lang. Nagkukwentohan sila ni Anne habang ako nakikinig lang. "Are you done?" He asked me. Ininom ko muna ang mineral water bago ko siya nilingon. Muntik pa akong masamid sa kunot niyang noo at hindi maimpinta na mukha. Problema ng gurang na ito? Nilunok ko ang natirang tubig bago nagsalita. "Yes and why?" "Ang kaunti n'yo naman pong kumain Ma'am!?" "Ang caring mo naman pala Mr. Ortales," singit naman ni Anne. Tumingin ako sa kanya at nilakihan ng mata para tumigil, wala na kasing tigil sa panunudyo kanina pa. Muli kong binalik ang paningin sa katabi. "Iyon na ang pinaka maraming kain ko, anong problema mo Mr. Ortales?" "Nothing--" Naudlot ang dapat na sasabihin niya ng tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha upang makita kung sino ang tumatawag. I smile when I saw my boyfriend's name. I immediately answer it. "Hello love," nakangiti kong sagot, para marinig ng kasama ko. "Kumain ka na ba?" tila pagod niyang bigkas. Hindi ko naiwasang kumunot ang noo kasabay ng aking mabilis na nararamdamang kaba. "Kakatapos lang ikaw?" "Oumm!" Mas lalong nangunot ang noo ko sa sagot niya. Hindi ko mawari kong ungol o nasasaktan ba siya? "Are you okay love?" I asked curiously. "Ahmm, y-yes love, I'm just.... just a little bit tired. I need to hung up this love my boss is here." "Okay, take care--" Nagulat at nadismaya ako sa agad niyang pagpatay ng tawag at hindi man lang nag I love you. Samantalang noon, hindi niya binababa ang tawag kapag hindi nasasabi ang katagang iyon. Ano pang silbi ng pagtawag niya kung papatayan lang din naman ako? Ngumuso ako nang binaba ang cellphone. "Ohh ano, pinatayan ka na naman?" Tunog pang iinsulto ang tanong ni Anne sa akin. Sahalip sa kanya tumingin, dumako ang paningin ko sa katabi. He was confused and full of questions in his mind I guessed so? Bumuntong hininga ako at sinulyapan si Anne. "Are you done? If not, I have to go!" "Ito naman binabaan ka lang ng tawag idadamay mo pa ako sa ka bad tripan mo." "That's not what I mean Anne, I have something to do. May mga tataposin akong--" "Bla, bla, bla, don't me Mavvie I know you, kaya huwag ka nang tumanggi. I'm done kaya sabay na tayong bumalik sa faculty," singit niyang sambit. "Are you done Mr. Ortales?" She asked him. "Yes ma'am, I have to go too." "Sure, I'm sorry about--" "Anne let's go!?" I said at agad tumayo. "We have to go, bye!" Habol niyang pamamaalam sa kausap. Halos takbohin ko ang faculty para lang makalayo sa kanya. Kaba at kilabot ang naramdaman ko sa mahigpit niyang paghawak sa kaliwang kamay ko kanina. Hindi iyon makikita ni Anne o kahit sino dahil sa ilalamin ng lamesa ang kamay namin. Agad akong tumungo sa Cr nang makarating sa faculty. Hindi ko pinansin si Anne kahit panay ang tanong dahil ang isip ko'y naiwan sa ginawa ng walang hiyang lalaking iyon. What if may nakakita tapos maisumbong ako? Ohhh Gosh! This is wrong baka matanggal ako sa trabaho dahil sa kabaliwan niya. Anong utak ba meron s'ya at nagawa niya iyon? Alam kong siya ang anak ng may-ari nitong university, pero hindi rin pwedi ang ginawa niya sa akin. I'm his teacher and his my student even his old than me hindi parin maaari. And one thing I have a boyfriend. So what's the meaning of his doing earlier? Kaninang umaga lang kami nagkakilala pero kung umasta parang pagmamay-ari niya ako. What his thinking? "Ano maglalakad ka na naman?" Matabil na tanong ni Anne habang binabaybay namin ang daan papuntang gate dahil uwian na. "What do you think?" "Sabay ka na sa akin." Tatanggi sana ako sa alok niya. Ngunit nang makita si Mr. Ortales sa unahan lang at parang may hinihintay, agad akong naki angkas sa kanyang ebike. At kung maaari maiwasan ko siya gagawin ko. Inabala ko kunwari ang sarili sa pagdotdot ng cellphone upang hindi malingon o masulyapan ang kinatatayuan niya. Hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa university saka lang ako nakahinga ng maluwag. "Thank you sa paghatid teacher Anne Martinez." Nakangiti kong sambit ng makababa sa sasakayan niya. "Welcome teacher Mavvie Reyes," aniya at ginaya pa ang pagkakasabi ko. Kumaway ako sa kanya nang makaalis siya. Pagod kong inupo ang sarili sa mini sofa at pinikit ng mariin ang mata. Hindi naman dapat ganito ang maramdaman ko sa tuwing uuwi rito sa bahay ngayon lang at mukhang napagod yata ang utak ko kakaisip sa nangyari kanina. Kasabay ng pagbuntong hininga ko'y siya ring pagtunog ng cellphone. Sinilip ko kung sino ang tuwag at nakita ang kapatid kong si Marevic tumatawag sa video call. Walang pag-alinlangan kong sinagot ang tawag niya at pilit ngumiti. "Ate Mavvie," masaya at nakangiti niyang wika sa pangalan ko. "Kamusta d'yan Maying?" nakangiti ko ring tanong. Ngumuso siya at biglang nalungkot kunwari. "Ate naman, ang ganda kaya ng pangalan ko, tapos nickname ko lang sasabihin mo tsss." Napatawa ako ng maniha sa pagtatampo niya. "Iyon naman talaga ang tawag namin sayo Mayingying." "Kuyaaaa!" Mas lalo akong napatawa sa biglang pagsingit ng isa kong kapatid na si Ethan. Sa likod siya ni Marevic at inaasar niya. "Tama na yan Ethan, nasaan si Nanay at Tatay?" awat ko sa kanila. "Nasa likod bahay pa ate, nagdidilig ng halaman, si Tatay nagpapakain pa po ng mga Baboy, at manok." Si Ethan ang sumagot dahil umalis si Marevic at may kukunin lang, at habang nag-uusap kami, nagaasikaso narin ako ng pagluluto sa kusina para sa hapunan ko. "Kamusta na naman, ang pag-aaral mo?" "Naku, ate may pinupurmahan na si kuya na babae." Napahinto ako sa paghuhugas ng sinaing dahil sa pagsingit ni Marevic. "Totoo?" nakangiti kong tanong sa kanya habang si Ethan ay nanlilisik tumingin sa kapatid. "She's lying ate." "Sus kuya, deny pa!" Iniling ko na lang ang ulo at pinagpatuloy ang ginagawa. "Wala naman talaga, ikaw nga itong may crush sa kaibigan ko e." "Ohh bakit crush lang naman a!" "You won't deny it, it's true!" "It's nothing wrong kuya, crush lang okay? crush lang!" "That's enough Maying," muling awat ko. Umupo ako sa tapat ng lamesa at sinandal ang cellphone sa vase na walang laman na bulaklak. "Hindi masama kung may crush ka o may nagugustohan basta huwag lang pababayaan ang pag-aaral. Same with you Ethan, graduating ka pa naman, it's okay kung may nililigawan ka but make sure na huwag mong lulukohin." "Wala naman talaga akong nililigawan ate, pakana lang ng mga kaibigan ko iyon at itong si Maying naman uto-uto." "Ang dami ninyong ganap sa buhay, at inisturbo nyo pa ang ate nin'yo," boses ni Nanay. "Ayos lang po Nay!" Sagot ko naman kahit hindi ko siya nakikita sa screen. "Ohhh anak kamusta ka diyan?" Nakangiting bungad ni Tatay. Lumawak ang ngiti ko ng makita siya sumunod din si Nanay, at ganon rin ang tanong. "Mabuti naman po ako rito, kayo po kamusta?" "Maayos naman kami rito," sagot ni Nanay. "Siya nga pala magpapadala po ako bukas ng pera para po sa--" "--huwag na anak!" "Po!?" taka ko sa pagputol ni Tatay sa akin sasabihin. "Sa iyo muna ang sahod mo, mamasyal ka rin diyan, at mag enjoy ng s**o'y hindi puro trabaho ang inaatupag mo." "Siya nga Mavvie," sang-ayon naman ni Nanay. "Kami na ang bahala sa allowance ng mga kapatid mo sa ngayon!" Ngumuso ako sa kanila at tumango. Gustohin ko mang pumilit sa gusto ngunit mas mainam nang sundin sila. Napalingon ako bigla nang may kumatok sa pinto. "May bisita ka yata anak?" Ani ni Tatay. Nagtataka akong tumingin sa oras ng cellphone ko at nakitang ala-sais pa lang ng hapon, ngunit madilim na. "Saglit lang po titingnan ko lang po kung sino," sagot ko sa kanila. Iniwanan ko lang ang cellphone na nakabukas bago tinungo ang pinto. Sa pagbukas ko'y nagulat ako sa presinya ni Albert. "Good evening Love!" Masaya at nakangiti niyang bati sa akin. Hindi man lang siya ako pinag salita ng sunggaban ako ng halik sa labi. "Hmmm, stop it Albert," habol hininga kong pagtulak sa kanya upang lumayo sa akin. "I-I'm s-sorry Love, I'm just missing you so much," nakangiti niyang sabi. I shook my head and smiled. Lumapit ako sa kanya at yumakap dahil subra ko rin siyang na miss. "I know Love, pero hindi mo pweding gawin ang paghalik na lang basta sa akin lalopa't narito tayo sa labas at maraming maaring makakakita." Tugon ko at bahagya pang inamoy ang dibdib niyang amoy pabango na pang babae. Kumunot saglit ang noo ko ngunit agad ding nawala nang kumalas siya at binigay sa akin ang bulaklak. "For my beautiful and future wife!" aniyang may pagkatamis tamis na ngiti. Uminit bigla ang pingsi ko sa sinabi niya at muling ngumiti para kunin ang red flowers. "Tssk, thank you my future husband," nahihiya kong sagot. He smiled and immediately kiss my forehead. "Tara sa loob, kausap ko si Nanay at Tatay," anyaya ko. Bago pa man siya tuluyang humakbang at makapasok sa loob ng bahay. Napasulyap ako sa labas ng gate at nakita ang naka park na sasakyan kulay ay itim malapit sa bahay ni Aling Susana. Hindi naman iyon kay Anton o sa boyfriend ko dahil kilala ko ang sasakyan niya na ngayon ay naka park sa tapat ng bahay ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan ng husto. "Love!?" "H-ha!? Ahh, s-sorry tara na sa loob." Kumunot ang noo niya at bago tuluyang pumasok sa loob, sumulyap rin siya sa tinitingnan ko. "Kilala mo ang may-ari ng sasakay iyon?" He asked. Kahit hindi niya ituro kong saan ang tinutukoy alam kong tulad ko iyong itim na sasakyan ang tinutukoy niya. "Hindi baka sa bisita nila," kibit balikat kong tugon. "I think so!" Hinila ko na siya papasok sa loob ng bahay, dahil naghihintay na si Tatay at Nanay sa akin. Nang makapasok agad siyang nagpakita sa screen at kinamusta ang magulang ko. Kilala siya ng pamilya ko at ganon din ako sa pamilya niya kaya wala nang ilangan kong mag-uusap sila. Habang busy sila mag-usap inaabala ko naman ang sarili para sa hapunan namin dahil sigurado akong dito na siya kakain. "Mag-iingat kayo riyan hijo!" dinig kong bigkas ni Nanay bago siya nagpaalam kay Albert. Ngumiti ako sa kanya habang inaayos ang mga bulaklak sa vase. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko hanggang sa nagpaalam akong magpapalit saglit ng masusuot dahil naka uniform pa ako. Nang matapos agad akong lumabas sa kwarto, at naabutan siyang naroon sa sala at nanuod ng balita. Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kanya at yumakap sa leeg niya. "Kain na tayo!" malambing kong bulong sa kaniyang tainga. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Mula sa likod ng sofa, umikot ako para kumandong sa hita niya. Pinulupot at yumakap siya baiwang ko saka ako hinalikan sa labi ng may diin at pananabik. Tumugon ako sa halik niya hanggang sa may maramdaman akong bagay na tumitigas at kasing tigas ng yelo ngunit ang init. I'm not innocent like the other girls, dahil alam ko ang bagay na iyon. Huminto ako sa paghalik sa kanya ngunit nagpapatuloy siya sa ginawang paghalik. Malalim at may pa nanabik ang bawat daing at panggigil niya. "L-Love stop!" sayaw ko nang mabitawan niya ang labi ko. But he won't stopped and continue kissing my lips. Naimulat ko ang mata sa gulat at pagkabigla nang masakop niya ang dibdib ko at nilamas. I know this is natural for both of us, but shit... Hindi pa kami kasal para lumampas sa ganitong bagay. Kinalas ko ang kamay na nasa leeg niya at hinawakan ang kamay niyang pumipisil sa dibdib ko, at pwersahan siyang tinulak, bago pa ako bulungan ng masamang espireto para bumigay ako. "Love!????" Tila naiinis at nabitin niyang bigkas. Habol hininga siyang tumayo at napahilamos sa sariling mukha. He upset, I know. Kagat labi akong tumayo at yumakap sa likod niya. Hindi naman niya inalis ang kamay ko. "I'm sorry Love, natatakot lang ako!" pag-aamin ko. Bumuntong hininga siya. "I know Mavvie, pero anim na taon na tayong magkasintahan, wala ka parin bang tiwala sa akin?" "I have Love--" Umikot siya para lingunin ako. "Then why? Bakit hindi pwedi? We're not kid anymore Mavvie, and I want you so bad!" "And we're not married Albert, this is wrong lalo na sa mata ng Diyos." "Kagagohan! Pwedi namang mauuna ang s*x before marriage hindi ba?" "It's that a question or you wanted?" Natameme siya, at hindi alam ang sasabihin. "Do love me, or my body?" Katahimikan ang umani sa tanong ko. "Sa tagal nating magkarelasyon Albert napag-usapan na natin ito. Walang s*x na magaganap kapag hindi pa tayo kasal!" "You don't love me right? Kaya wala kang tiwala? Na akala mo hindi kita pananagutan sa gagawin ko---" "That's not like that Love, we promise remember?" "Yes we have, but I can't wait for so long para lang masabi kong akin ka Mavvie." Ako naman ngayon ang natameme. "Now tell me! Are you mine or not?" "Ohhh gosh.. don't do this Albert!" pagod kong turan. He smirked. "So, your not mine!" Madiin at nanggigil niyang winika sa harap ko. Inilang hakbang lang niya ang pinto para makalabas nang humabol ako. Naka ilang tawag ako sa panaglan niya ngunit hindi niya ako nilingon hanggang sa makasampa na siya sa kotse niya. Kumatok ano sa bintana ng sasakay at halos mangiyak sa nangyari. This is not our first time to fight, pero ito yata ang kauna unahang pag-aaway naming subra siyang nagalit. Binaba niya ang binta ngunit hindi ako nilingon. "L-Love please pag-usapan natin ito. Ayaw kong nagkakaganito tayo please!" Pinipigilan kong tumulo ang luha dahil ayaw kong kaawaan niya ako. "Then talk to me if you think that your mine Mavvie!" Aniya at agad pinaandar ang sasakyan nang hindi man lang ako hinarap. Laglag ang balikat kasabay ng pagtulo ng aking luha nang makitang lumalayo ang sasakyan niya. Now what I can do? Talaga bang sinabi niya iyon, at pinapipili ako? For what? Para masabing pagmamay-ari na niya ako? Ohh gosh, lately hindi ko na makita ang dating siya. Hindi naman kami nag-aaway dahil sa s*x, at nahihiya pa siyang ma mentione iyon. But this time? I don't know him anymore, like is he my old boyfriend or not? Pinunasan ko ang aking luha nang mapansin ilang menuto na akong narito sa labas. Bago masarhan ang gate ko'y napatingin uli ako sa sasakay naka parada kanina pa. Sa subrang itim maging ang bintana hindi mapapansin kong may tao sa loob o wala. Tulad kanina hindi ko na lang uli pinansin dahil hindi naman importante. Sinulyapan ko ang lamesang may nakahain para sana sa hapunan naming dalawa, ngunit hindi natuloy. Nawalaan na din ako ng ganang kumain kaya niligpit ko na lang uli. Nang matapos kinuha ako ang cellphone at hinahanap ang number ng best friend kong si Brianna. Sa pangatlong ring sinagot niya. "Hello my sister, bestie and bff how are you?" matinis at tila ganado niyang sambit. Ngumuso ako dahil na miss ko ang kakulitan niya. Bumuntong hininga ako ng wala sa sarili. "Ayyy lalim naman non girl, what happened ba?" "Tskk, akala ko ba may meeting ka ngayon? Pero bakit nag-eenjoy ka lang huh?" Pabiro kong sabi. "H-ha? Oo meron pero mamaya pa naman. Tsa'ka pagbigyan mo na ako girl, mabuti ikaw may jowabels, ako naghahanap pa lang nang may kabiyakan na ako!" Humagikgik pang aniya. "Hoyyy, luka-luka tskkk!" saway ko. "Ito naman, pagbigyan mo na ako. Siya nga pala bakit ka ba napatawag may problema ba kayo ni Albert!?" Muli akong bumuntong hininga. "I see, what is it?" She asked curiously. Muli akong bumuntong hininga bago nagsabi sa kanya kung anong problema namin ni Albert. "Alam mo girl sa ngayon s*x na ang basihan kung mahal mo talaga ang isang tao. Wala namang mawawala kong isang bises ka lang makapag s*x sa boyfriend mo. Tsa'ka ang tagal nyo na kaya malamang maghahanap yon. Gusto mo bang sa iba siya makipag s*x sahalip na sa iyo lang?" Napaisip ako bigla sa sinabi niya, at parang hindi ko matatanggap kong malalaman kong makikipag s*x siya sa ibang babae. I guess she's right, wala namang mawawala at alam kong pananagutan niya ako, at baka iyon pa ang way para pakasal niya ako. "Seeyaaaa bestie!" Aniya ng magpapaalam na. "Hello my cupcakes!" "Shhhhh!" saway ni Brianna sa lalaking ka boses ni Albert. Kinuloban ako bigla ng kaba sa dibdib na dapat ay hindi. "I need to hung up Mav, nandito na ang ka meeting ko," sambit niya. "O-Okay.. Bye!" paalam ko habang ang kaba ko'y hindi matigil. What wrong with me? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Winaksi ko ang bumabagabag sa isipin ko at nagtipa na lang nang text message kay Albert. Ako: I'm sorry earlier Love, I love you. Alam kong hindi siya magrereply dahil galit siya sa akin. Maya-maya pa'y kinagulat ko nang may kumatok muli sa pinto, at nang mabuksan ko'y nagulat sa taong nakatayo sa harap ko. "Mr. Ortales what are you doing here?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD