Mavvie. Naalingpungatan ako bigla sa kalagitnaan ng mahimbing na pagkakatulog nang may maramdamang kung anong bagay na dumampi sa labi ko. Sa biglaang pagmulat ng mata, ay siya ring pagsinghap na malakas ang nagawa ko dahil sa gulat. M-may anino hindi lang basta anino dahil alam kong may taong naririto sa kwarto at katabi ko pa base sa nararamdaman kong bigat ng kama dahil sa pagsampa niya. Dali-dali akong bumalikwas ng pagbangon at sinindihan ang ilaw sa lampshade katabi ng kama. Nang sumabog ang mahinang liwanag ay nagulat ako kasabay ang pamimilog ng mga mata nang nalaman kung sino ang katabi ko. "S-Stellan!?" Kabadong bulalas ko sa kaba bago kumawala ng sunod-sunod na paghinga. Kinapa ko ang dibdib para pakalmahin ang sarili. Gosh! Siya lang pala akala ko kung sino na ang puma

