Chapter 29

1782 Words

Mavvie. Habang papalapit ako ng papalapit sa opisina ni Mr. Ramos ay siya ring paglakas ng dibdib ko sa kaba. Bumuntong hininga muna ako at pinapakalma ang sarili bago buksan ang pinto. Pero nang akmang bubuksan ang pinto ay kusa namang bumukas at niluwa ang lalaking umawat kanina sa away nila Stellan at Albert. Kumurap-kurap ang mga mata ko nang sandaling tumama ang amin mga mata. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako kahit napipilitan lang. Gusto ko sana siyang kausapin para magpasalamat pero nang makita ko si Mr. Ramos sa siwang ng pinto, minabuti ko nang pumasok sa loob. Pumasok ako sa loob ng hindi pinapansin ang kaharap dahil sa pagmamadali. Nang tuluyang makapasok, nakita kong nakaupo na sa office chair niya si Mr Ramos, sapo ang noo at hinihilot. Kinabahan uli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD