Chapter 28. Unexpected Mess

1953 Words

Mavvie. Wala namang gaanong klase until Friday dahil abala ang lahat sa gaganaping BUWAN NG WIKA. Pero may ilan-ilang teacher na humabol pa ng klase bago sumapit ang event. "OMG, I'm so excited." Sigaw ni Anne papasok pa lang ng faculty. Natawa na lang kaming mga naunang teacher na dumating sa lakas ng boses niya. Hindi pa naman araw ng buwan ng wika ay halatang excited na s'ya. "Hindi ka naman halatang excited Ma'am Anne." Natatawang komento ng isa namin kasama na si Teacher Celine. "Palibhasa may nabili na silang masusuot na damit para sa event. Kaya ganyan ang energy. Tsa'ka atat siyang manalo." Pabirong singit naman ni Teacher Jes. "Of course noh!? Sayang din yon. Besides kayo kaya ang inuna kong niyaya mga madam bago si Ma'am Mavvie pero mga busy kayo." Turan naman ni Anne

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD