Mavvie. "Good morning sweetie." Bati ni Stellan pagkamulat ko ng mata. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ako. "Good morning Stellan. Bakit gising ka na?" Tinatamad ko pang tanong at inaantok. "Ahmm.... Actually Sweetie it's already 10am in the morning na. "ANO?????" Hiyaw ko at biglang napabalikwas ng bangon ngunit mabilis naman niya akong pinigilan. "Sweetie what are you doing?" tuwang-tuwa pa niyang tanong. "Baliw ka ba? Late na ako para pumasok sa school." Natataranta kong sagot at sinubukang alisin ang kamay niya sa braso ko. Kumawala siya ng mahinang pagtawa at agad akong niyakap at hiniga uli sa kama. "Ano bang ginagawa mo Stellan? Bitawan mo ako, ano ba?" "Sweetie chill, it's Saturday." Pigil niyang natutuwa sa akin dahil sa pagiging taranta ko. Saka lang din ako nak

