URYHIA POV Ang kabayong kurimaw na ‘yon! Binabaan niya ako ng telepono gayong nagtanong lang naman ako! Akala mo kung sino siya sa palagay niya. Madapa ka sana! Naku po, Panginoon, patawad po. Kasalanan naman niya kasi, ang bastos ng pakikitungo niya. Nagtatanong lang naman ako nang maayos, bakit parang ako pa ang may kasalanan? Hindi ko naman talaga naintindihan ang nangyari, kaya nagtanong ako. Syempre, siya ang nakakaalam ng lahat tungkol sa nilalaman ng blangkong papel na iyon. Sa sobrang inis ko, kumain na lang ulit ako. Mabuti na lang at hindi ako tabain. Kahit kumain ako nang kumain, ganito pa rin ang hubog ng aking katawan. Naubos ko lahat ng ininit na pagkain, at nang matapos ako magpahinga, nilinis ko ang aking pinagkainan. Nagpalipas muna ako ng oras sa balkonahe dahil napaka

