SHAM POV Wala akong balak puntahan siya sa aking kondominium, kaya ipinagpagroseris ko na lang siya. Marunong naman siguro siyang magluto. Kung sakaling magkaroon ng sunog doon dahil sa kapabayaan niya, tiyak na mag-aalerto agad iyon sa aking telepono. Lahat ng kagamitan sa aking tahanan ay makabago at de-kalidad. Ipinaayos ko iyon noong nakaraang taon pa. Minsan kasi ay tinatamad akong kumilos, at madalas ay utos lang ang kailangan ko at kusang gagalaw ang lahat. Tulad na lang kapag sinabi kong, "Gusto ko ng itim na kape," kusa na itong ihahanda at ilalapag sa harap ko. Sa ngayon, pinapanood ko lang siya sa pamamagitan ng CCTV na nakakonekta sa aking telepono. Nakita ko pa kahapon na may kausap siya sa telepono habang umiiyak pa. Siguro ay kausap niya ang kanyang kaibigan—na sa pagkaka

