CHAPTER 1 "Muling Pagkikita"
YOHANNA
Lumaki ako sa isang Masaya at Buong Pamilya na puno nag Pagmamahal.
Ako nga pala ang Panganay na anak ni Major Yohan Grae Escobar at ni Mommy Evren Reign.
Ang pag ibig daw ay walang pinipili sabi ni Daddy. Ikinuwento nya sa akin kung paano sila nagkakilala ni Mommy. Pag iniimagine ko yung unang tagpo nila natatawa nalang ako, Mommy Is Typical pasaway na Teenager While daddy naman is a Disciplined Police Major.
Ang dami nilang pinagdaanan at saksi ako roon, Sariwa pa sa akin ang mga ala-ala na Hirap na hirap kami ni mommy sa tagong lugar na tinirhan namin, hangang sa paalisin kami ng may ari ng bahay dahil pinagbintangan si mommy, Naglakad kami ni Mommy sa gitna ng ulan sa gabing madilim until tito Mayor Mavz find us. Di sya nagdalawang isip na tulungan kami, dahil kay Tito Mayor Mavz ay napaigi at naayos ang buhay namin ni mama.
Naging magkaibigan Si Mama at Si Tito Mavee, Naranasan ko rin magkaron ng Daddy pansamantala dahil sa katauhan ni Tito Mavee, madalas kasi akong isama ni Mommy sa opisina ni Tito Mavz.
May times din na Sinama ni Tito Mavz si Mommy sa malayong probinsya at naiwan ako kay ninang. At iyon pala ang tulay ng pagkikita namin ni Daddy kaya natunton nya ulit kaming Mag ina. At ang isang hindi ko malilimutan ay ang muntikan ng pagkamatay ni Mommy habang ioinagbubuntis nya noon si Graeson dahil nilagyan ng bomba si Mommy. Yan ang madalas ko parin mapanaginipan. Nalulungkot ako pag naiiisip ang nakaraan na isa sa pamilya ko ang nalagay sa kapahamakan. Parang kelan lang kung Iisipin. Pero heto na kami ngayon
Nasa Senior High na ako at tila hirap na hirap ako sa Math. Hindi naman ako Bobo kaya lang may lesson na tila hirap kong unawain.
Minsan nga ay lumalapit ako kay Midnight para magpaturo dahil si Midnight ay magaling sa Math.
Hayys..Kung sanay narito lamang si Kuya Aeolus
Mabait naman si Kuya Aeolus, May pagka suplado nga lang. Madalas pag tiningnan mo nakasimangot, pero pag inapproach mo naman ok naman ito.
Bata pa lamang kami ay madalas ko na syang makita kapag Napunta sila sa Hacienda nila Tito Xav. Best friend kasi ni Dad si Tito Xav. Kalaro ko din ang mga Anak nila ni Tita Eris, pansin ko lang na kapag naglalaro kami bihira sumali si Kuya Ae, Para bang ang lungkot nya hangang sa Nagbinata sya ay parang ang ilap nya, palagi lang syang aral at seryoso sa buhay, pero minsan naman ay nakikipaglaro sa amin. Matanda kasi sya ng Dalwang Taon sa Triplets na sina Xylas,Xierra at Xavi at Mas matanda naman sa akin si kuya Ae ng Anim na taon.
Habang Tinatahak ko ang Daan pauwi ay Di mawala sa isip ko ang Assignment namin sa Math.
"Pinipilit ko namang intindihin, Bakit Di ko maintindihan? Tanong ko sa aking sarili.
Hayyy...Kung sana'y Narito lamang si Kuya Aeolus tulad noong Elementary ako, malamang hindi ako mahihirapan ng ganito. I'm sure maipapaliwanag nya sa akin iyon ng ayos." Saad ko sa aking isip habang patuloy sa paglalakad sa labas ng Campus.
Ilang sunod sunod na busina ang nag pahinto sa akin. Muntik pang mahulog ang aking dalang Libro.
Kasunod noon ay ang boses na hindi ko narinig ng ilang taon.
"Hayy..Naglalakad kung ano ano ang iniisip, Di ka parin nag Iingat YOHANNA!" Masungit na wika ng boses na nagmula sa aking Likuran, Biglang sumaya ang aking pakiramdam at dahan dahan akong Lumingon.
"Kuya Ae...." Sabi ko na nga ba eh ikaw yan" nakangiting wika ko saka ako patakbong lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito kuya? Diba nasa Singapore ka?
"Oo, bakit Masama bang mag bakasyon sa Pilipinas? Masungit na tanong nito sa akin.
"Hindi, eh Bakit ang Sungit mo pa rin? Hindi ka mag kaka Jowa nyan dahil sa kasungitan mo, Sige ka"
"Kasi ikaw, Dalaga kana pero Di mo parin iniingatan ang sarili mo, Lumilipad parin ang isip mo, pano kung mabangga ka?"
"Oo na Sorry na, Di na ba mapapatawad?" Nakangiting wika ko saka Yumakap sa kanya
"Bahagya nyang Ginulo ang Buhok ko saka ako Hinalikan sa Ulo."
Ganito naman tong taong to, Masungit pero madaling makuha sa lambing.
"Okay Tinatangap ko na ang Sorry Mo, Halika na, Ihahatid na kita Pauwi"
"Salamat Kuya, Dahil dyan turuan mo ako sa Assignment ko ha, Don't worry May kapalit yon Gagawan kita ng paborito mong KREMA DE PUT*
"YOHANNA! yang Bibig mo!"
"Sorry na Joke Lang, Di kana talaga mabiro eh"
"Halika na, Hinihintay na tayo ni Tito Yohan."
"Alam ni Daddy na susunduin mo ako?"
Maang na tanong ko rito.
"Oo, ayoko pa mamatay no kaya nag paalam ako" saad ni Kuya saka biglang ngumiti.
Ngiti na minsan mo lang makita, Ngiti na hahanap hanapin mo, Dahil ang batang Aeolus na nakilala ko ay Tahimik, Malungkot, at Madalas mapag isa. Kaya nagagalak ako kapag nakikita syang Masaya.
Bago kami umuwi ay nagulat ako ng idaan nya ako sa Drive Thru.
Umorder sya ng 3 BFF Fries at 7 Choco Sundae na isa sa mga Paborito ko. Nang maka order kami ay saka kami nagtuloy sa pag da drive patungo sa bahay namin. Dahil nasa loob ng Hacienda ang bahay namin ay ramdam ko ang hampas ng malamig na hangin. Bahagya akong nakakapit sa damit ni Kuya Ae, Nang bigla nyang Hawakan ang kamay ko at ikapit sa katawan nya. Nahawakan ko tuloy ang abs nya, hindi lang halata kay Kuya Ae dahil hindi sya Macho tingnan kundi Sexy, para bang modelo, Wala na akong nagawa kundi kumapit para tuloy akong nakayapos sa kanya.
"Yan ganyan ang Tamang hawak pag angkas, Mamaya ma disgrasya ka pa sagutin pa.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami Sa bahay, Naabutan ko roon ang Pick up na Collorado ni Daddy, dumating na ito mula sa Duty.
Pag pasok palang namin ng bahay ay sinalubong agad kami ni Mommy.
"Anak, andyan na pala kayo, Pasok Ae, nasa dining ang tito Yohan mo, umiinom ng Kape."
"Thank you po Tita Evren, eto nga po pala para po sa inyo."
"Naku, salamat hijo, Dito kana mag Dinner, nagluto ako ng Kare-Kare, paborito ng Tito Yohan mo."
"Salamat po Tita."
"Tara na sa loob Kuya Ae." Saad ko naman, pag pasok ko palang ay binati agad ako ni Graeson at ng Kambal. Binati ko rin sila sa pamamagitan ng pag pisil sa mga pisngi nila. Sunod ko naman nilapitan ay Si Daddy na nakaupo sa may dining table habang nagkakape. Nag mano ako sa kanya. Bahagya nya nang ginulo ang buhok ko.
"Kumusta anak, nagkita ba kayo ni Aeolus?"
"Yes po Dad, andyan pa po sa labas, sunundo nya po ako sa school."
"Oo anak, nagpaalam kanina, Mas okay na yon para safe. "
Maya maya lamang ay pumasok na rin si Kuya Ae, kasabay ni Mommy. Ako naman ay nagpaalam muna kay Mommy at Daddy na Aakyat muna sa taas upang magbihis ng pambahay.
Mabilis lang ako nagbihis nagsuot lamang ako ng Blouse saka Ng Dolphin short.
Pababa pa lamang ako ng Hagdan at hindi pa ako nakakarating sa dulo ng Marinig ko ang Boses Ni Dad.
"Change your outfit Anak!'
Malakas ang boses ni Dad Napatingin tuloy si Mommy at Kuya Ae sa Kinaroronan ko, maging ang mga kapatid ko.
Dali dali na lamang akong Sumunod dahil Hindi na maipinta ang mukha ni Daddy. Palagi naman akong nakaganito sa gabi dahil sa bahay lang naman. Hmm..pero nagpalit na lamang ako, at pagbaba ko ay Naka pajama na ako.
Dala ko na ang mga Asignatura na gagawin ko, tama at andito si Kuya Ae, sasamantalahin ko na magpaturo.
Matagal tagal pang nag uusap sila Mommy, Daddy at Kuya Ae., Pero maya maya ay nilapitan na ako ni Kuya Ae at binasa ang mga notes ko sa notebook, Saka nya itinanong sa akin kung alin ang hindi ko maintindihan.
"Eto Kuya Ae, Ang hirap hirap naman kasi, Bakit kasi di ako matalino sa Math."
"Kahit naman di ka matalino, kung uunawain mo lang maigi, Makukuha mo rin yan."
"Luhh..baka iba na ang lesson saka ko lang makuha yan."
"Yohanna, Di bale nang matagal mo nakuha, ang mahalaga Maunawaan mo parin, Hindi pwedeng umiskip ka sa isang bagay na hindi mo naman nauunawaan ang mas nauna.
Unawain mo lamang maigi, Ang mahalaga naunawaan mo. Sabi mo nga Hindi ka matalino, pero alam kong hindi ka Bobo."
Habang Kinakausap nya ako ay gumagawa na sya ng Sample, hanga naman ako dahil tila napakasimple lamang niyon sa kanya.
Sa bagay Alam kong sisiw lang sa kanya yan, Gumraduate nga sya sa Mapua Bilang Civil Engineer eh."
Nakatingin ako sa kanya habang nag susulat at nag cocompute sya.
Napaka seryoso talaga ng Mukha ni Kuya Ae, buti nalang di kumukulubot ang mukha nito agad. Nasa ganong eksena ako ng bigla syang Tumikhim.
"Yohanna, Hindi ka matatapos sa ginagawa mo kung sa Pagmumuka ko lang ikaw titingin, Sagutan mo tong ginawa ko dali."
"Sungit mo talaga Kuya, Tiningnan lang saglit eh." Saad ko saka kinuha ang notebook ko na may problem solving na ginawa ni Kuya Ae, inintindi ko ang bawat detalye. Ang bagal ko, nagtatanong din ako sa kanya sa part na nakakalimutan ko, at sa wakas nakuha ko rin. Hangang sa binigyan nya ulit ako ng sasagutan. At sa wakas nasagutan ko na na di ko na kailangang magtanong.
Sa sobrang saya ako ay napasigaw ako.
"Yes, Nasagutan ko, Thank you kuya Ae, Dahil dyan ilalabas ko na ang Krema de Putah"
"Yohanna!" Saway nya sa akin pero di ako natinag dali dali akong nagtungo sa ref dala ang krema de Fruta na ginawa ko. Buti nalang pala at nakagawa na ako kagabi.
Pero bago pa ako makalapit ay Dumating na sila Mom and Dad.
"Anak, mamaya na yan ,kumain na muna tayo ng Dinner."
"Okay po Mommy," saad ko naman.
Habang kumakain kami ay tahimik lamang si Kuya Ae.
"Kumusta naman ang Pag stay mo sa Singapore Ae.?"
"Ok naman po Tito Yohan, Sa Wakas po nakuha ko naman po ang First project ko."
"Nice, Congrats Hijo, Hanga ako sayo, Isang take lang naipasa mo ang Exam at naging lisensyado ka. At eto nga may Project ka kaagad na nakuha."
"Thank you po Tito, Pero hindi naman po super laki ng project na nakuha ko, pero thankful parin po kasi Di ko ini expect na makakakuha agad ako ng project."
"Yes Hijo, Saka dyan yan magsisimula sa maliit, magugulat ka na lang na malaki na yung susunod mong project." Saad pa ni Daddy.
"Congrats Ae, I'm sure proud na proud si Ate Eris nyan."
"Hehe, Iyak nga po Si Mommy ate eh, Sa bagay Utang ko sa kanila ni Daddy Kuya ang lahat kung nasan ako ngayon, Ganon din po kina Mama Xena at sa Family nila." Saad ni Kuya Ae.
"Alam mo Kuya Ae, I'm sure na Mas proud ang Magulang mo kung narito lamang sila ngayon." Saad ko, ngunit sa sinabi ko ay napatingin sila sa akin. Huli na saka ko naisip na dapat di ko na lamang binaggit, malulungkot na naman sya. Napayuko na lamang ako. Humingi ako ng Sorry ganon din si Mommy.
"Ahm.. It's okay Tita, Yohanna is Right. I'm sure mas proud sana sila mom and dad para sa akin kung narito lamang sila,no worries po, Im Okay." Dagdag nya pa.
Matapos namin kumain ay Inilabas na ni Mama ang dala naming Mcdo kanina. Tuwang tuwa naman ang mga kapatid ko. Si Kuya Ae naman ay tuluyan nang kinain ang aking Krema de Fruta.
Habang kumakain kami ay pansin ko amg pananahimik nya kaya, sinimulan ko syang kulitin.
"Kuya Ae"
"Ano?"
"Diba MAPUA grad ka, Tapos Engineer ka pa, Ang Galing mo naman."
"Sakto lang yon."
"May Sakto bang gaya mo? Eh balita ko Mahirap makalabas ng MAPUA, at yung iba Lumalabas ng MAGNA..
"MAGNA c*m LAUDE?
"Hindi, MAGNA NINE YEARS daw bago makalabas, tapos Yung Iba naman umaabot paraw ng SUMA.
"SUMA c*m LAUDE?
"Nope, SUMA Sampong taon paraw pag inalat."
Sa sinabi ko ay Natawa naman si Kuya Ae.
"Hahhah...Ayos ah..maloko kana rin pala Yohanna, San mo nasagap yan ah."
"Hehe, eh nakita ko lang at nabasa sa mga Dating student, hehe."
"Ganon talaga, Dahil di ka naman talaga makakapasa basta basta kung may bagsak ka, di naman madali ang course namin, kahit ako nahirapan din."
"Nahirapan pero nakuha mo ng saktong Years, Tapos Passer agad,kasama pa sa Top 10 sa buong Pilipinas, tapos may Project agad, Hehe Ang humble talaga ng Kuya Ae namin." Saad ko pa rito.
Ginulo nya naman ang buhok ko.
"Loko, hehe sakto lang nga, Kaya ikaw mag aral ka ng mabuti."
"Yes naman Kuya Ae, para maging Pulis or Military din ako tulad ni Daddy, Basta gusto ko yung nag se serve sa bayan."
Sa sinabi kong iyon ay tila natahimik si Kuya Ae.
"Gusto mo maging Tulad ni Tito Yohan?"
"Oo kuya Ae, gusto kong sumunod sa yapak ni Daddy. Gusto kong protektahan sila Mama at mga kapatid ko, Gusto ko ring tumulong at pumrotekta sa ibang tao."
"Sigurado ka naba?"
"Oo kuya Ae, Sure na ako, pangarap ko yun eh, kaya pag iigihan ko."
After ng pag uusap namin na iyon ay syang paglabas ni Mommy at Daddy.
"Yohanna anak, Pasok na sa Loob mag na 9pm na, Ahm Aeolus, Ingat ka pauwi. Salamat sa Pagsundo kay Yohanna at pagdalaw mo rito. Ikumusta mo na lamang kami Kina Xav at Eris."
"Copy Po Tito Yohan, Tita Evren, Salamat din po pala sa dinner, Mauuna na po ako." Paalam ni Kuya Ae, Saka sumakay at Kumaway saka umalis lulan ng kanyang Motorsiklo.