CHAPTER 14 "LUTO NI YOHANNA"

2040 Words
YOHANNA Nakaalis na si Kuya Ae patungo sa Davao. Doon kasi ang project nya at isang buwan sya roon. Kasalukuyan ko namang tinutulungan si Mommy na magluto ng Paboritong ulam ni Dad na Kare-Kare. Masarap mag luto si Mommy kaya tinatandaan ko ang bawat pag luluto nya. Nakaupo ako sa isang high chair ng biglang tumunog ang aking CP. Nagulat pa ako ng si Kuya Ae ang tumatawag. Videocall ito kaya sinagot ko na rin. Pinakita ko naman sa kanya na nagluluto kami ni Mommy. Binati rin naman sya ni Mommy ng makita sya sa VC. "Hi Ae Kumusta ka dyan?" "Hi po Tita Evren ok lang naman po, Kayo po kumusta po dyan? Tanong nito kay Mommy." "Ayos lamang kami rito Ae, Ikaw mag ingat ka dyan, Medyo pumayat ka ata Ae." "Medyo lang po tita hehe, Miss ko na po ang lutong bahay dyan,Salamat po Tita Evren, kayo rin po ingat din po dyan, "Ikaw din Hijo, Mabilis naman ang araw , tingnan mo next time pabalik ka na hehe. Opo nga Tita mabilis lang pero parang nababagalan po ako ehehe sige po Regards nalang po kay Tito Yohan." Dagdag nya pa. Saglit pa Kaming nag usap, kunwari pa nag kwe kwento gusto lamang naman ako makita, haha. Saad ko sa aking isip Matapos ang aming pagluluto ni Mommy ay hinintay na rin namin si Dad at sabay sabay na rin kami pumasok. Sa isang buwan na wala si Ae ay hindi naman kami nawalan ng Communication sa isat isa. Madalas syang mag videocall sa akin tuwing gabi. Kada may mahirap akong subject ay nag papaturo naman ako sa kanya. Sa kada araw na wala sya ay ganon ang naging set up namin. Dahil nga pagbalik nya ay Monthsary na namin kaya nag isip ako ng pwedeng iregalo. Naisip kong gumawa rin ng Scrapbook. Gusto kong ibigay rin ito sa kanya. Hangang sa natapos ko ito at ilagay muna sa aking cabinet. Saka ko nalang kukunin pag nakauwi na ulit sya. Nagpaturo rin ako may Mommy ng ibang mga niluluto, gusto ko rin kasi matuto. At buti na lamang at itinuro sa akin ni Mommy kung paano mag luto ng adobo.Caldereta at ng Chop suey. Gusto ko pagbalik ni Ae marunong na ako magluto,meron na akong ibibida sa kanya na Kaya ko na magluto ng ulam at gumawa ng ibang dessert. Mabilis rin na lumipas ang mga araw tila kailan ko lamang sya sinagot noong isang buwan kasunod nang pag punta nya sa davao pero heto ngayon at pabalik na sya ulit, Napakabilis din talaga ng oras. Sa Isang araw nga ay nakatakda na syang Umuwi. Tama naman at wala kaming pasok that time dahil may meeting ang faculty para sa na lalapit naming Graduation. Kinabukasan habang buhat ko si Baby at nasa Sala kami ay biglang dumating sila Tita Eris At Tito Xav, Si Xeres at Xavia lamang ang kasama nila. Nag beso naman sa akin si Tita Eris sabay bati nito sa bunso kong kapatid na si Addie. "Hi Yohanna, Hi baby Bunsong addie. Asan mama mo Beh." "Nasa may Garden po sa likod tita, nag didilig po ng halaman. "Ah..Ganon ba? Sige puntahan ko muna beh. Kumusta ka naman, Nag cha chat ba Kayo Ni Ae? "Opo Tita Eris pag may itatanong po ako sa kanya sa assignment namin." Sagot ko na nakangiti rito. "Ah..I see, hehe Malihim yon, niloloko ko nga eh Sabi ko may GF na siguro na wrong send kasi sa akin ng I LOVE U B, SEE YOU SOONEST' hahha sobrang antok siguro kaya sa akin na pa send hehe." "Ah ganon po ba hehe, Baka nga po Tita " saad ko naman rito. Kami lang talagang dalwa ang nakakaalam ng relasyon namin. Pinuntahan nya naman si Mama Sa garden . Hindi ko alam kung anong sadya nila Tita Eris pero saglit lang din naman sila. Nag paalam pa sakin si Tita bago sila umalis. "Leigh una na kami , Tagal mo na di dumadalaw sa bahay hehe miss kana nila Xierra at Xavina. Next time punta ka ah, Sumama ka kay Ae free kayo sa coffee shop." Saad pa nito na lumapit pa sa akin saka muli akong bineso at hinawakan ang aking kamay. "Salamat po Tita, Sige po pag nagpunta po si Kuya Ae makikisama po ako." Anya ko naman saka hinawakan din si Tita Eris. "Sige na Leigh, Mauna na kami, May sinabi ako kay Mommy mo sya nalang ang magsabi sayo. Mauuna na kami ha, marami pa kasing bibilhin." Paalam pa nito sa akin. Pagkaalis nila ay sya namang paglabas ni Mommy, Bitbit nito ang mga Sariwang bulaklak na pinitas sa garden. "Ma? Bakit po nagpunta sila Tita Eris?" "Ah, wala naman anak, dumaan lang kung free daw tayo pumunta raw tayo sa mansion andon ata kasi sila matutulog mamaya kasi diba bukas na ang dating ni Ae, Balak ni Ate Eris na ipag celebrate kasi diba ilang sunod sunod na project na yung nakuha ni Ae, may another 2 bidding pa na naka line up. Pero alam mo naman ang Kuya Ae mo, napaka Lowkey na tao kaya di alam ang gagawin na celebration na salubong para sa kanya bukas. "Ah..Kaya po pala" saad ko saka tumango habang buhat si Addie. Napaisip ako, Sabi nya nga bukas ng umaga ang flight nya pabalik rito kaya possible mga before lunch ay narito na sya. Nagulat pa ako ng biglang magsalita pa si Mama. "Nak, May GF na ata ang Kuya Ae mo? Na wrong send daw kina ate Eris hehe, Saka na kwento rin ata sa Daddy mo na meron na nga daw Nobya. Ask nga daw ng Daddy mo eh kung hindi ka daw kaya pagselosan kasi nga madalas dito si Ae dahil tinuturan ka,eh sabi naman daw ni Ae Ok lang naman daw. Alam naman daw na tinuturuan ka, hehe." Dagdag pa ni Mama habang inaayos ang mga bulaklak sa florera. 'Hayy Mommy,kung alam nyo lang po' tanging nasambit ko sa aking isip. "Baka nga po Mommy sinabi ni Kuya Ae kay daddy nung last na punta nya rito." "Ganon na nga anak, Pero maswerte din ang GF ni Ae. Mabait na bata si Ae, Walang bisyo, Bata pa pero grabe ang Project sunod sunod. Matalino pa." Dagdag pa ni Mommy at tumango na lamang ako. Walang nakakaalam sa relasyon at pagmamahalan naming dalwa ni Ae. Maging ang malalapit sa amin. Sana mapatawad nila kami sa hindi namin pagsasabi agad ukol sa meron kaming dalawa balang araw. "Mommy, pupunta ba tayo?" "Yes anak, hihintayin lang natin ang Daddy nyo buti na lamang at wala kayong pasok bukas" wika ni Mommy. Tumango lamang ako pagkasabi nya noon. Agad na akong nag asikaso dahil halfday ang pasok ko ngayong araw. Nagulat pa ako ng tumawag pa si Ae habang nagbibihis ako nakasuot pa ko ng robe habang nasa tapat ng vanity mirror. "Hi Baby, Good afternoon, kumusta ka dyan?" "Hello po, Ok lang naman nag aasikaso ako papasok halfday lang kasi pasok ko today." "Ah i see kaya pala naka robe ka palangy B., Hmmm..I miss you souch B, see you tomorow." "See you Po, mis na rin kita, Kumakain ka ba ng maayos dyan? Parang namayat ka po ata dyan." "Hmm..Nagbawas lang ako ng kain, Saka mas mis ko yun mga lutong bahay dyan. "Hmm ganon ba? Di bale pauwi kana naman po, bumawi ka na lang po ng kain rito pag uwi mo." "Yes B, Babawi talaga ako ng Kain, hehe..See you tomorrow Baby, baka gabi kita puntahan sa inyo." "Ok po, hihintayin po kita bukas ." Saad ko saka nag paalam sa kanya. Mabilis akong kumilos patungo sa eskwelahan. Isang subject lang naman ang meron kami, Kailangan nga lang namin ipasa ang project na hiningi namin para doon sa isang subject. At pagkatapos noon ay pwede na ulit kaming umuwi. 3RD PERSON POV Matapos ang Klase ng dalaga ay bumalik rin agad ito sa bahay bandang 4:30 Pm naabutan nya ang Mommy at Daddy nya na nag kwe kwentuhan at nagtatawanan sa Sala. Sinalubong naman agad sya mg kapatid nyang si Graeson para kunin ang bitbit nyang mga files na dati nyang pinasa sa school na ibinalik na ng kanilang teacher. "Salamat Grae, bat nakabihis na kayo?" "Pupunta tayo kina Kuya Ae diba, Doon na daw tayo Mag Sleep over ate, para bukas di na tayo uuwi rito." "Ah ganon ba? So nagbaon pa kayo ng damit para bukas haha kahit ang lapit lang naman nitong bahay natin sa mansion nila." Hehe Syempre ate,Malayo layo din lakarin yon, Alangan namang dito tayo sa shortcut sa pa gubat dumaan. "Bakiy hindi? Dyan nga ako nadaan minsam eh..hehe." "Hehe ikaw yon, ang talahib na kaya, saka kasama natin si Baby addie no kaya sa tamang daan tayo dadaan hehe." Saad pa ni Grae dito. "Anak, Gumayak na kami para mamaya punta na tayo kina Ate Eris. Magdala ka na lang rin ng pang suot mo bukas para di na tayo uuwi. " saad ng kanyang mommy. "Yes po Ma, magbabaon na lang po ako ng pangsuot para bukas." Wika naman ng dalaga at nagpaalam na rin para mag bihis. Nang gabing iyon ay nagtungo na sila sa Mansion nila Xav. Kompleto na roon ang Family nila Mula sa Mag asawang Xena at Vernon, Naroon din si Xandreb at ang asawa nitong si Ellery kasama rin nito ang anak nitong nasa edad 10 taon. Completo rin ang Family ni Xav at Eris ang Triplets na sila Xylas, Xierra at Xavi, Si Xavina at ang kambal na Xerxes at Xavia. Inimbitahan rin nila ang Pamilya nila Keegan dahil Kaibigan na rin ito nila Xav at Yohan kasama rin nito ang Pamilya Nito ang asawang si Sheng Ang panganay na si Midnight at ang kambal na Keenan at Freya. Tila ito isang munting reunion para sa kanila. Kahit kasi magkakadikit lang ang farm nila ay biriha sila magka tagpo tagpo dahil na rin sa kanilang mga trabaho. Nag imbita rin sila ng mga kaibigan at malalapit na kamag anak bukas. Pero ngayon ay sila sila lang muna. Nakakatuwa silang pagmasdan kasama ang mga anak nila na mga dalaga at binata na. Abala ang mga Kababaihan sa pag pre prepare ng handa. Ang mga lalaki naman ay nagkakabit ng tent sa labas at naghahanda ng mga upuan. Nagsimula naman na gumawa ng dessert ang mga Dalaga. Si Xavina ang nangunguna sa pag Gawa alam nya kasi ang paboritong dessert ng kanyang Tito Aeolus, katulong nya si Yohnna sa pag hahanda. Si Xierra at Xavia at Grae naman ang nag aayos sa design. Taga palobo si Grae at ang magkapatid na Xierra at Xavia naman ang nagkakabit. Dahil niluluto pa naman ang leche flan na ginawa ni Yohanna at Xavina ay tumulong muna sya sa mga Kananayan na nag gagayat at nagsasang kutya ng ulam. "Ate Eris, Sheng, marunong na magluto si Yohanna ko," Bida naman ni Evren sa dalawang kaibigan. "Aba, talaga? Hmm mukang pwede natin subukan na paglutuin si Yohanna ah hehe, Pwede bang ikaw ang magluto sa isang putahe Yohanna?.tanong ni Eris. "Sige po Tita Eris,pwede po bang yung adobo po ang lutuin ko?" "Sure Hija .walang problema" nakangiting wika nito. Maya maya lamang ay nagsimula na rin itong mag asikaso ng lulutuin nya para bukas ng Umaga. "Sana magustuhan ni Ae ang adobong lulutuin ko" saad ng dalaga Sa isip habang nakangiting nag gagayat ng mga patatas na ilalahok para bukas. Samantala.. AEOLUS Excited na akong Umuwi bukas. Kanina ay namili ako ng pasalubong para sa kanila. Sabik na akong umuwi at makita sila lalo na ang Nobya ko. I really miss her, walang araw na di ko sya na mi miss At naiisip. Kung pwede nga lamang na hilahin ko ang araw at oras para makauwi ulit sa kanya. At sa wakas nga ay Pauwi na ako bukas. Sobrang mis ko na sya. Marami akong biniling pasalubong para sa kanila. At syempre lalo na sa aking Baby Yohanna, Di ko alam baka kung anong magawa ko sa kanya bukas dahil sa sobrang pagkasabik ko na makita at mahawakan sya. "See You Tomorrow Baby Yohanna ko." Nakangiting saad ko saka ipinikit ang aking mata dahil maaga pa ako bukas dahil alas nuebe ng umaga ang flight ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD