Kabanata 28

2218 Words

Habang nasa biyahe ay panay ang sulyap ni Bryson sa akin. Kinakabahan nga ako dahil mukhang wala siyang balak na mag focus sa pagmamaneho. Minu-minuto ay sinusulyapan niya ako. Nakahawak din ang kamay niya sa isang kamay ko habang pinipisil ito. Bale isang kamay lang ang gamit niya sa pagmamaneho na siyang nakakabahala. Gano'n na lamang ang pagpapasalamat ko dahil nakarating kami sa pupuntahan namin nang matiwasay. Hininto niya ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Nasa high class village naman kami kaya tanging mayayaman o may kaya na tao lang ang nakakapasok dito. Puwera na lang siguro kung may kakilala ka na dito rin nakatira. Hindi naman nakakatakot na manakawan dito ng kotse dahil lahat ng bahay ay naglalakihan at nagtataasan. May umiikot din na guard sa paligid at mukhang mahigpit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD