Tulala lamang ako habang nakatingin sa dalawang taong magkayakap. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko. Hindi ko alam kung gaano sila katagal na magkayakap hanggang sa kumalas si Bryson. Ngumiti ito at inakbayan ang babae bago humarap sa akin. "Genesis, this is Iris, my cousin," pakilala ni Bryson sa babae dahilan upang mapaawang ang labi ko. Nanlalaki ang mata ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanila. "P-pinsan? Pinsan mo s-siya?" halos magkanda utal-utal na tanong ko. Kunot-noong tumango naman si Bryson habang bakas ang kalituhan sa mukha niya. "Yes, why? Is there any problem?" "Wala naman." Iling ko. Para akong nakahinga nang maluwag sa sinabi niya. Pinsan niya lang pala ang babae. Akala ko ay nobya o kung sinong nagugustuhan niya na. Nang tingnan ko ang babae ay

