Habang nasa biyahe ay tahimik lamang kami ni Bryson. Rinig ko ang mabilis na paghinga niya. Naglabasan din ang ugat sa kamay niya dahil sa higpit ng pagkakapit niya sa manibela. Tahimik lamang ako na nakatingin sa kaniya na walang emosyon ang mukha ngunit alam kong sa kaloob-looban niya ay galit siya. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay nila Bryson. Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang madilim na bahay. Agad na binuksan ko ang ilaw ng bahay. Nakita ko pa si Pewi sa kulungan niya malapit sa pinto na agad na napatayo at tumahol sa amin ngunit walang imik na nilagpasan lang siya ni Bryson. Dumiretso si Bryson sa taas kung kaya tahimik na sumunod ako sa likuran niya hanggang sa makapasok kami sa kuwarto niya. Agad na hinubad niya ang damit niya bago iyon nilapag sa kama. Ku

