IGTING ang panga at matalim ang mga mata ni Bryson habang nakatingin sa daan. Mabibigat ang bawat hininga niya. "Who's that boy?" biglang sabi ni Bryson sa malamig na boses. Kinilabutan ako sa sobrang lamig ng boses niya. Sinulyapan ko siya ngunit nanatili pa ring naka tutok sa harap ang matalim na mga mata niya. "Si Troy, kaibigan ko…" mahinang tugon ko. "Since when?" Humigpit ang hawak niya sa manibela. "2-3 w-weeks ago, hindi ako sigurado." "Do you like him?" seryoso at tiim ang bagang tanong niya. Napaisip naman ako. Gusto ko ba si Troy? Mabait siya, matulungin, maalalahanin at higit sa lahat, mapagkumbaba rin siya. Nakakahawa ang ngiti niya at ang cute niya rin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang natatawang mukha niya. Nakarinig naman ako ng tikhim mula kay Bry

