"Let her go." Isang boses ang nagpatigil sa amin. Sobrang lamig nito at bakas ang kaseryosohan sa tono nito. Ngunit hindi iyon ang nakapagpagulat sa akin kun'di ang pamilyar na boses at presensya nito. Kahit hindi ko na lingunin ay alam kong siya iyon. Natigilan ang mga lalaki bago hinarap ang nagsalita. Kahit ako ay napaharap din sapagkat hawak nila ako. Sa harap namin ay nakatayo ang matangkad at may matikas na katawan na lalaki. Itim lahat ng suot nito, mula sa damit, pantalon, sapatos at relo ay itim. Naka pamulsa ito habang malamig ang mga mata na nakatingin sa kalalakihan. "Bryson…" mahinang usal ko. Napalingon siya saglit sa akin at dumaan sa mukha niya ang pag-aalala ngunit agad ding tumigas ang ekspresyon niya bago madilim ang mukha na bumaling sa mga lalaking may hawak sa a

