“Babe, wake up. You need to eat.” Umungol lamang ako bago tinakpan ang mukha ko ng kumot. Inaantok pa rin kasi ako kahit mahaba na ang naging tulog ko kagabi. Mahinang natawa naman siya at pilit na inaalis ang kumot na nakatakip sa mukha ko. “As much as I want to watch you sleep, you need to eat. So get up,” aniya bago bahagyang tinaping-tapik ang balakang ko na parang bata. Hindi ko siya pinansin. “Babe…” masuyong tawag niya. Agad akong napaupo sa kama nang makaramdam ng kung ano sa sikmura ko. Tinulak ko siya palayo para makatayo bago tumakbo sa banyo upang sumuka. Agad kong binuksan ang gripo habang patuloy sa pagsuka. Pakiramdam ko lahat ng kinain ko kagabi ay naisuka ko. Halos wala na nga akong maisuka at kulang na lang pati lamang-loob ko ay maisuka ko na. “Babe? Are you ok

