Nagising ako nang makaramdam ng panunuyo sa lalamunan. Nagmulat ako ng mga mata at sumalubong sa akin ang madilim na silid. Kinapa ko si Bryson sa tabi ko ngunit nangunot ang noo ko nang wala akong makapa kun’di ang bakanteng kutson lamang. Nanghihina akong bumangon sa malambot na kama at lumabas ng kuwarto. Maingat akong bumaba sa hagdan at naglakad patungo sa kusina. Maliwanag pa rin ang kusina kung kaya alam kong hindi pa rin sila tapos mag-inuman ngunit pansin ko ang katahimikan na bumabalot sa paligid. Marahil ay lumipat sila sa likod upang doon magpatuloy sa pag-iinuman. Wala na rin kasi ang mga pinag-inuman nila rito at tanging malinis na kusina na lamang ang nadatnan ko. Nang matapos uminom ay dinala ko ang baso ko sa lababo at hinugasan iyon. Akmang aakyat na sana ako ng hagdan

