Kabanata 58

1655 Words

Buong gabi akong hindi nakatulog. Gustuhin ko mang umalis kagabi ay ayaw ko namang magpadalos-dalos ng desisyon lalo na’t hindi lang ang kapakanan ko ang nakasalalay rito. Ayaw kong mapahamak ang baby namin dahil lang sa nagpadalos-dalos ako sa pagdedesisyon kaya naman kahit mahirap ay hinintay ko na umusbong ang umaga bago gawin ang plano ko. Pagpatak ng alas singko ng umaga ay naligo agad ako at nag-impake ng mga gamit ko. Kagabi ko pa ito pinag-iisipan at buo na ang desisyon ko na umuwi sa probinsya namin kung saan ang pamilya ko. Alam kong ano man ang mangyari ay nandoon sila upang suportahan ako. Tama nga ang kasabihan na kung walang-wala ka na ay tumakbo ka lang pabalik sa pamilya mo at sasalubungin ka nila. Mabuti na lang at hindi rito natulog si Bryson kagabi kung kaya malaya ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD