Habang nasa byahe ako pauwi sa amin ay panay ang iyak at hikbi ko. Pinagtitinginan nga ako ng mga pasahero na kasabay ko rito sa bus lalo na ng katabi ko ngunit hindi ko na lamang sila pinansin. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako. Nagising ako sa mahinang yugyog sa balikat ko. Marahang nagmulat ako ng mata bago namumungay ang mga matang nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang kulay kayumanggi na mata ng lalaking katabi ko. Napatulala at umawang ang labi niya habang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng mukha ko. Nangunot naman ang noo ko sa naging reaksyon niya. Kita ko ang pamumula ng tenga niya nang mapansin ang pagtataka sa mukha ko bago nag-iwas ng tingin at tumikhim. “Uhm Miss, nandito na tayo.” Imporma niya. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nap

