Napakunot ang noo ko nang makarinig ng ingay mula sa ibaba. Napaungot ako habang hinihila ang kumot sa katawan ko. Akmang babalik na sana ako sa pagtulog nang lalong lumakas ang sigawan. Mabilis pa sa alas kuwatro na napabangon ako lalo na nang marinig ang pamilyar na boses ni Bryson. Dali-dali akong bumangon at lumabas sa kuwarto. Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at dinala ako nito sa bungad ng pintuan ng bahay. Mukhang hindi nila ako agad ako napansin dahil abala sila kakapigil kay Mama na lumapit kay Bryson. “Jerome, ano ba! Tigilan mo na iyan!” Pinilit ko naman na isiniksik ang sarili ko sa pagitan ng mga kapatid ko upang makadaan. Nagulat naman sila sa biglaang pagsulpot ko ngunit hindi ko na lamang sila pinansin at tinuon ang atensyon ko kay Bryson na kasalukuyang hawa

