Pagkatapos ng last class namin ay dismissal na. Agad na nagsilabasan ang mga estudyante sa mga classroom habang naiwan naman akong nagliligpit ng mga gamit ko. Hindi naman sa mabagal ako, sinasadya ko lang talagang magpaiwan at magpahuli dahil ayaw kong makipag siksikan sa kanila. At isa pa, ayaw nila akong makadikit sa kanila kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko na mapalapit o mahawakan sila. Nandidiri siguro sila sa mahirap na katulad ko kaya gano'n na lamang ang trato nila sa akin pero hindi ko na lamang pinansin iyon. Nandito ako para mag-aral kaya hindi dapat ako magpaapekto sa sasabihin o trato nila sa akin. Bitbit ang mga libro at mga gamit ay lumabas na ako ng room. Nagulat ako nang maabutan ko si Bryson na nakasandal sa pader sa gilid ng room habang nakayuko. Nakapamulsa siya at

