Nagising ako sa pamilyar na kuwarto. Napabalikwas ako ng bangon bago inilibot ang paningin. Medyo madilim ang paligid at tanging dim light mula sa lampshade lang sa gilid ng kama ang nagbibigay ng ilaw sa paligid. Nang tiningnan ko ang labas ay nakita kong madilim na rin. Mukhang ginabi 'ata ako. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Bumungad sa akin si Bryson na naka simpleng t-shirt at short lamang na kulay black ngunit malakas pa rin ang dating. May hawak itong tray na may lamang pagkain. Binuksan niya rin ang ilaw ng kuwarto dahilan upang mapapikit ako sa silaw ngunit agad ding nagmulat nang marinig ang yabag nito papunta sa akin. Tiningnan ko siya habang walang emosyong naglakad siya patungo sa akin. Ang isang kamay niya ay nakapaloob sa loob ng bulsa at ang isa naman ay hawak-

