"Hi, Pewi. Good morning," bati ko sa aso ko na agad namang tumahol. Siya ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa apartment ko. Lumuhod ako. Tumakbo siya patungo sa akin at dinamba niya ako ng yakap bago dinilaan ang pisngi ko. Natawa ako bago siya binuhat at gigil na hinalikan sa pisngi. Hinaplos ko ang balahibo niya habang nakalabas ang dila niya akong tiningnan gamit ang inosenteng mata niya "Namiss mo ba 'ko?" tanong ko. Tumahol siya bilang tugon. Napangiti ako bago ko siya ibinaba sa sofa. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Nagmadali ako para mabilis matapos at makahabol sa oras. May ilang oras pa naman ako para mag-review. Ang balak ko kasi kagabi ay hindi natuloy. Hindi ko naman inexpect na nandoon ang mga magulang ni Bryson at ang plano ko na mag-review ay nauwi sa make out.

