Pagpasok ko pa lang sa room ay sumalubong na kaagad sa akin ang maingay at magulong estudyante. Hindi nila ako pinansin. Mukhang wala lang ni isa sa kanila ang presensya ko. Ganito siguro talaga kapag hindi ka belong sa grupo nila o kapag wala kang kaibigan. Pagtingin ko sa upuan ko ay may nakaupo na na babae na sa tingin ko ay lumipat para lang makipag chismisan sa kaibigan. Nilibot ko ang paningin at nakita ang bakanteng upuan na napapaligiran ng mga lalaki. Wala naman akong choice kaya tahimik na naglakad ako bago umupo. "Naka review kayo?" tanong ng lalaki na nakaupo sa unahan ko. Troy 'ata ang pangalan. Siya kasi ang pinaka maloko sa aming magkaklase kaya naman hindi mahirap tandaan ang pangalan niya. "Huh? Putcha! May quiz?!" malakas na bulalas ni David, kaibigan niya. Nakaup

