"Did you eat?" Mula sa pagyuko ay napaangat ako ng tingin kay Bryson na malalim na nakatingin sa akin. Nasanay na ako na palagi siyang nakatingin pero minsan ay naiilang pa rin ako dahil bawat kilos ko ay pinapanood niya. Nakakahiya tuloy gumalaw dahil baka kung ano na ang mga tumatakbo sa isip niya tungkol sa akin. Baka mamaya ay nilalait na niya ako. Hindi ko pa naman mabasa ang nasa isip niya. Mababa nga siguro ang confidence ko sa sarili. Sino ba naman kasi ang hindi manliliit kung ganito kaguwapo at kayaman ang kasama mo? Dagdag pa na sikat siya ngunit sa akin na nerd niya lang ibinabaling ang atensyon niya. Sobrang lamig at seryoso niya sa iba tapos sa akin naman ay ewan ko pero sobrang gaan ng pakikitungo niya. Hindi ko alam kung ano ang motibo niya kung bakit ganito na lamang niy

