Naalimpungatan ako dahil sa marahang haplos sa pisngi ko. Nagsalubong ang kilay ko bago hinawi iyon. Nakarinig ako ng mahinang tawa. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Napaayos ako ng upo nang bumungad sa akin ang mukha ni Bryson. Malapit ang mukha niya na pati ang mabangong hininga at pabango niya ay amoy na amoy ko. Mabilis na napaayos ako ng upo. "K-kanina ka pa?" nauutal na tanong ko. "Not really." Kibit-balikat niya. Napahaba 'ata ang tulog ko. "Anong oras na?" tanong ko habang inaayos ang buhok na bahagyang nagulo mula sa pagtulog. "4:00 P.M, why?" Nanlalaki ang mata ko sa narinig bago dali-daling nag-ayos ng gamit. "What are you doing?" nagtatakang aniya. "May quiz kami sa Ethics. Kailangan ko nang umalis. Mauna kana, okay? Susunod na lang ako pagkatapos ng klase," na

