Sa mga nakalipas na araw ay naging abala ako sa pag-aaral. Malapit na ang final kung kaya halos lahat ng estudyante ay sobrang abalang-abala sa pag-aaral. 'Yong mga hindi mahilig mag-review at magbasa ay nasa library na. Halos lahat ng estudyante ay puyat kaka review sa takot na bumagsak habang ang iba naman ay pa chill-chill lang dahil mas may tiwala pa 'ata sila sa stock knowledge nilang out of stock naman dahil hindi sila nakikinig sa itinuturo ng guro. Sa loob ng ilang araw na pagrereview ay nasa tabi ko palagi si Bryson habang nag-aaral ako. Hindi naman niya ako kinukulit o kinakausap. Binibigyan niya ako ng oras para makapag-aral habang siya naman ay walang ibang ginawa kun'di samahan akong magbasa o 'di kaya ay matutulog siya sa tabi ko habang nag-aaral ako. Ngayon ay mag-isa lang

