"Why can't I come with you?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Bryson sa akin. "Hindi nga puwede, Bry," sagot ko habang abala sa pag-iimpake ng gamit ko. Bryson sighed as he looked at me intently. Halata ang hindi pagsang-ayon sa mukha niya. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa pagsama sa akin sa pag-uwi ko sa probinsya at paulit-ulit din ang pagtanggi ko. "I just wanted to come with you. I wanted to meet your parents and–" "Bry. Napag-usapan na natin ito 'di ba?" Putol ko sa sinasabi niya. Agad na umawang ang bibig niya. "But–" Pagod na hinarap ko siya para tingnan. "Bry, stop it, okay? Hindi na magbabago pa ang isip ko." Natigilan siya habang awang ang bibig at tulalang nakatingin sa akin. Hindi nagtagal ay bumuntong-hininga siya at hindi na sumagot. Napailing naman ako bag

