Kabanata 47

1934 Words

NAGISING ako sa paggalaw ng sasakyan. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang malamlam na mata ko ay unti-unting nanlalaki nang mapansin ko na nakasandal ang ulo ko sa isang matigas na balikat. Mabilis akong napalayo sa balikat na kinasasandalan ko bago humarap sa lalaking may-ari nito. "Sorry-" Mabilis na naputol ang akmang sasabihin ko at natigilan ako nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. "Bryson?" Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Nanatili lamang siyang seryosong nakatitig sa akin at hindi nagsalita. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Kumurap siya ng isang beses bago tumikhim. "I just want to make sure you are safe. Don't worry, ihahatid lang kita. Aalis din ako pagkatapos kong masiguro na nakarating ka nang ligtas sa bahay niyo." Natigilan naman ako sa sinabi n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD