Kabanata 48

2029 Words

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin habang palipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Bryson. Bakas ang hindi makapaniwala at gulat sa reaksyon nila habang awang ang bibig na nakatingin sa amin. "Kailan pa?" Si mama ang unang bumasag ng katahimikan. Napatingin naman ako kay Mama na nagsimulang magseryoso ang mukha. "P-po?" "Kailan pa naging kayo?" tanong niya bago humalukipkip na nakatingin sa akin. Nasa likod niya ang mga kapatid ko na nakasandal sa pinto habang nagsisimula nang kumunot ang noo sa pinaghalong pagtataka at pagtutol. "Ahm ilang buwan na po kami ni Bryson, Ma," nag-aalinlangan na tugon ko habang naninimbang ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Mas lalong tumigas ang mukha niya sa sinabi ko. "Ilang buwan? At wala kang balak na sabihin man lang sa amin h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD