Kabanata 49

4250 Words

"Saan sina Yanyan at Mia?" tanong ko habang nasa hapagkainan kami at nagsisimulang nang kumain. Sina Yanyan at Mia ay ang mga pamangkin ko at anak ni Kuya Jake na siyang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Siya rin ang tumayong Tatay sa aming magkakapatid. Siya ang tumutulong kay Mama sa mga gastusin sa bahay noong panahon na single pa siya ngunit nagbago iyon nang mag-asawa siya at magkaanak. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi sapat ang pera niya para suportahan pa kami na pamilya niya. Lahat ng suweldo niya ay napupunta sa mag-ina niya. Hindi nagtagal ay lahat ng kapatid ko ay nagkaroon na rin ng kaniya-kaniyang pamilya at tuluyan na ngang bumukod sa amin. Kung kaya ganoon na lamang ang pagsisikap at pagtataguyod ni Mama para lang makapagtapos ako sa pag-aaral dahil ayon sa kaniya ay a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD