Noong una ay nagtataka pa ako kung ano ang ibig-sabihin ni Mama sa sinabi niya kahapon ngunit nang magising ako at makita ko si Bryson na nagbubuhat ng timba na may lamang tubig ay doon na ako biglang natauhan. "Bry!" tawag ko sabay lapit sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin bago mabilis na ibinaba ang buhat. Agad siyang ngumiti nang tuluyan akong makalapit sa kaniya. "Good morning," bati niya bago ako kinintilan ng halik sa labi. Bahagyang namula ang pisngi ko sa ginawa niya at kumabog nang malakas ang dibdib ko ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at agad na tinanong siya. "Anong ginagawa mo? Bakit ka nag-iigib? May tubig naman sa loob ah?" sunod-sunod na tanong ko habang nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Kapansin-pansin ang butil ng pawis na tumutulo sa mukha niya. Malaki

